TARA SA BI, KANINO NAPUPUNTA?

BISTADOR ni RUDY SIM

BAGO pa man mawala noon sa pwesto si dating pangulong GMA ay nabunyag ang planong ipasa sa Senado ang bagong immigration bill. marami itong benepisyo kasama na ang salary grade ng immigration officers at maging ang commissioner ng ahensya ay hindi basta maaaring alisin sa puwesto.

Ibinisto natin noon ang pamimigay ng Patek Philippe na isang mamahaling relo at malaking halaga, bilang suhol ng isang makapangyarihang tao na walang inisip kundi ang magpayaman sa sarili at manatili sa paggawa ng pagkakaperahan sa BI.

Makaraan ang mahigit sampung taon ay muling nakabalik ang taong ito at sa kasalukuyan ay laging nakikitang kasama sa Kongreso ni Tambaloslos na siyang itinuturong utak ng People’s Initiative upang baguhin ang ating Saligang Batas upang lumawig ang kapangyarihan ng mga politikong ganid sa puwesto.

Nabunyag ang 20 milyong piso kada distrito na kumakalat ngayon sa ating bansa, upang makakalap ng mga pirma mula sa ating mga kababayang kulang ang kaalaman sa tunay na hangarin na mabago ang 1987 Constitution, kapalit ng kaunting ayuda sa bawat barangay na kinukupitan pa ng mga lokal na pamahalaan imbes na ibahagi ang kaalaman na hindi dapat pumirma sa muling panlilinlang sa publiko.

Isa maaari ang Bureau of Immigration (BI) sa ilang mga ahensya ng pamahalaan ang patuloy na pinagkukunan ng salapi upang gamitin ng corrupt public officials para sa kanilang isinusulong na baguhin ang konstitusyon.

Noon pa man ay naging kanang kamay na nitong isang congressman na malapit kay Tambaloslos, ang kasalukuyang commissioner ng BI na si Tan5, at hanggang ngayon ay hindi nawawala sa top 10 ang ahensyang ito sa kaliwa’t kanang korupsyon sa ating bansa.

Kung ang listahan ng mga ilegal na dayuhang nagtrabaho bilang POGO workers ay umaabot ng ilang libo, katumbas naman ito ng daan-daang milyones upang kumita ang tiwaling mga opisyales ngayon sa pamahalaan, kung saan ang ‘lifting of blacklist’ na noong nakaraang taon ay umaabot sa mahigit kalahating milyong piso kada dayuhang tatanggalin sa listahan, ngayon ay ibinaba na umano sa 350K?

Mayroon ding isang kawani rito na isang abogado, ang matakaw kumuha ng ‘lifting of blacklist application’ ngunit kapag hindi tugma sa presyo at hindi natapos ay hindi ibinabalik ang pera? Aba, sino itong si Boy Sunog?

Hmm… ang bilis pala bumaba ng inyong pagkatao kagaya na lamang ng isang gadget na habang lumilipas ang panahon ay bumabagsak ang presyo. Bakit kaya at kanino kaya napupunta ang ‘under the table’ na kinikita sa ahensya? Ang matinding kapit kaya ni Tan5 ang dahilan kaya’t hindi mapalitan ng DOJ ang pinuno rito?

Samantala, kung seryoso ang pinakawalang banat ni DOJ Secretary Boying Remulla, bakit kaya hinayaan nitong si Tan5 pa rin ang mamili ng inilagay nito sa ahensya na si Anna Matti? Hindi ba alam ni Remulla na ilang beses na itong sumabit sa katiwalian? Ang detalye sa susunod! ABANGAN!!

Para sa inyong reaksyon at sumbong, i-text lamang ako sa 09158888410

49

Related posts

Leave a Comment