ADOBO

ADOBO-5

Sarap sa iba’t ibang sangkap

 (Ni Ann Esternon)

Sa mga putaheng Pinoy, hindi mawawala sa hapag ang adobo. Bahagi na ito ng kultura at ng ating kasaysayan, kaya ba’t ito’y tinaguriang “Philippines’ National Dish.”

Noong araw ito ay niluluto sa palayok dahil ibang lasa rin ang hatid nito gamit pa ang tradisyunal na paraan ng pagluluto – ang kahoy bilang panggatong.

Unang niluto ang adobo sa panahon pa ng pananakop sa atin ng mga Kastila.

Ang paraan sa pagluluto ng putaheng ito ay naobserbahan ng mga Kastila at tinawag na adobo mula sa adobar na salitang Español para i-marinate.

Ang adobo ay tinawag noon ng mga Kastila bilang “adobo de los naturales” o adobo ng mga katutubo.

Ang marinade ay ang sarsa na mula sa suka, pampalasa, mantika, asin, herbs o mga gugulayin at dito ibinababad ang karne, manok, isda at iba pa bago lutuin. Sa pagbabad pa lamang nanunuot na ang lasa para maging adobo ito.

Putahe pa noong araw ang adobo dahil sa ito ang uri ng pagkain na hindi madaling masira dahil sa asin lalo pa’t tayo ay isang tropical country. Noong araw ay wala namang refrigerator pero dahil sa sangkap na asin ay tumatagal ang buhay ng adobo. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng toyo na siya namang pumalit sa function ng asin.

TRADISYONAL NA SANGKAP

SANGKAPSuka

Toyo

Paminta

Dahon ng laurel

Mantika

IBA PANG SANGKAP

Sa paglipas ng panahon, iba’t iba na ang nilalahok din sa adobo. Siyempre pa sarap ng mga ito ay lumi-level up dahil sa iba’t ibang sangkap!

– Siling haba o siling labuyo

– Sibuyas

– Luyang dilaw

– Vetsin

– Asukal

– Carrots

– Baguio beans

– Patatas

– Itlog

– Chicharon

Adobo sa gataADOBO SA GATA. Isa itong bersyon ng pork adobo pero ang lahok ay gata ng niyog sa huling bahagi ng pagluluto nito. Alam naman nating kahit anong putahe ay masarap kung may gata kaya nadiskubre rin na ihalo ang gata sa nakaugaliang adobo.

Simple lamang din ang pagluluto nito kung saan ay ibinababad muna ang karne ng baboy sa sukang may toyo na hinaluan pa ng bawang at paminta. Maghihintay lamang ng sapat na oras bago ito isalang, maluto na may kasamang gata bago ihain sa hapag-kainan.

ADOBO SA PUTI. Ito ang adobo na may tradisyunal na mga sangkap – walang halong toyo. Ito rin ay tinatawag na “Klasik Adobo”. Ang lutong ito ay bago pa dumating ang mga Intsik. Sa pagdating ng mga Intsik ay na-introduce ang toyo bilang bagong sangkap sa pagluluto.

ADOBO SA DILAW. Ito ang uri ng adobo na niluto sa luyang dilaw kaya naman ang lasa ay masarap din at humahagod minsan sa lalamunan. Dahil ang luya ay may health benefits, dagdag sustansya rin ito sa putaheng nabanggit.

Adobong sitawADOBONG SITAW. Sa mga ayaw sa karne o isda, eto ang healthy bersyon ng adobo. Isang pagkaing hindi rin naman nakasasawa.

ADOBONG KANGKONG. Kung may bersyon ng sitaw, iba rin naman ang sarap at sustansya ng adobong kangkong.

ADOBONG ILONGGO. Ang sangkap na ito ay hinaluan ng achuete o annatto oil na kahit noon pang panahon ng mga Kastila ay nakagawian na ito sa Visayas at Southern Luzon.

Adobong PalakaADOBONG PALAKA. Adobong palaka ang isang ber­syon na kalasa ng adobong manok, ngunit mas pangkaraniwan ito sa mga lalawigan at madalas itong iluto bilang pulutan.

ADOBONG GLOBAL. Hindi ito isang uri o bersyon ng adobo kundi isang patunay na ang lutong ito ay pang-global ang sarap. Ang putaheng ito ay nakarating na sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay dahil…siyempre kung saan may Pinoy hindi mawawala ang putaheng ito na tunay namang maipagmamalaki.

Ang lutong ito ng Pinoy ay ginagaya o pinamamarisan na rin ng mga banyaga at nagiging parte na rin ng kanilang arawang pagkain o sa tuwing may okasyon.

Ang adobo natin ay talaga namang pagkasarap-sarap. At mas sumasarap pa nga ito kapag inabot pa ng kinabukasan o habang tumatagal. Mas masarap pa ito kung ipapares sa sinangag.

481

Related posts

Leave a Comment