DUQUE: UNIVERSAL HEALTH CARE ‘DI MAIPATUTUPAD

(NI BERNARD TAGUINOD)

DISMAYADO ang oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Department of Health (DOH) Secretary matapos sabihin sa mga mambabatas na hindi kayang ipatupad sa buong bansa ang Universal Health Care (UHC) sa susunod na taon.

“For me that is irresponsible statement,” pahayag ni House minority leader Benny Abante sa press conference ng kanilang grupo nitong Miyerkoles, habang ginigisa naman sa House committee on appropriation kaugnay ng kanilang pondo sa 2020 na nagkakahalaga ng P88.72 Bullion.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos aminin ni Duque sa nasabing pagdinig na hindi maipapatupad sa buong bansa ang UHC sa susunod na taon dahil sa kakulangan umano ng pondo.

“The (UHC)…is a progressive realization. We cannot do a national roll-out because of budgetery constrain and also because of the readiness that we need to capacity building in the different provinces (which) will be the convergence points of intergration,” ani Duque.

Ang UHC ay mayroong P167 Billion pondo sa 2020 subalit nais umano ng DOH na itaas ito sa P200 Billion.

PHILHEALTH ALISIN SA DOH

Sinabi naman ni Iloilo Rep. Janette Garin na kaya umano ng DOH na ipatupad UHC law kung gugustuhin nila subalit tila takot lang umano si Duque dahil ang pondo para dito ay idadaan sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

“Baka (takot) dahil mainit ngayon ang Philhealth  kasi yung pondo ng Universal Health Care ay idadaan sa Philhealth,” ani Garin.

Dahil dito, ipinanukala ni Garin sa alisin na sa DOH ang kontrol ng Philhealth at ilagay na ito sa ilalim ng Department of Finance (DOF) upang hindi magamit ang pondo sa ibang bagay maliban sa pagtulong sa mga nagkakasakit na miyembro.

Ito rin ang nakikitang paraan ni Garin upang masimulang malinis ang Philhealth dahil masyado na aniyang malalim ang nangyayaring katiwalian sa nasabing health fund institution.

169

Related posts

Leave a Comment