ANG “BACSILOG QUEEN” SA NATIONAL WOMEN’S MONTH CELEBRATION

Pinatunayan ng nagmamay-ari ng isang negosyong food business sa bansa na kung ano ang kaya ng mga kalalakihan ay kaya rin ng mga kababaihan.

Ito ang pagmamalaking sinabi ni Rica Peñalosa na tinaguriang “BACSILOG QUEEN” na nagmamay-ari ng Ate Rica’s Bacsilog na may 200 branches sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Ate Rica, nagsmula ang kanilang kauna-unahang Bacsilog business noong 2006 na nakalagay lamang sa isang di-tulak na food cart sa may tapat ng prestisyosong unibersidad sa may Taft Avenue, Maynila.

Kabilang sa mga tumangkilik sa kanilang Bagsilog ay mga estudyante, propesor, empleyado ng ibat-ibang opisina sa lugar.

Dahil sa lakas ng kanilang Bacsilog nagbukas ang pangalawang branch ng Ate Rica’s Bacsilog, (The Original Bacsilog) noong 2015 sa may University of Sto. Tomas (UST) sa Espana, Maynila.

Karamihan din sa kanilang mga parukyano ay mga estuyante, propesor at mga empleyado mula sa UST at ibat-ibang opisina na mga kalapit nito.

Ipinaliwanag pa ni Ate Rica na dati ay hindi siya mahilig lumabas at dahil kailangan ito para sa kanyang negosyo para magkaroon ng siya ng connect at contacts sa mga tao ay madalas na siyang lumalabas.

Sinabi pa ni Ate Rica na nagsimula lamang siya sa P20k puhunan hanggang sa lumago ito.

Ipinagmamalaki pa ni Ate Rica na bagamat hindi kagandahan ang kanilang mga pwesto ay maganda naman ang kanilang mga food cart kung kayat lahat ng klaseng tao ay tinatangkilik ang kanilang food business.

Binanggit pa ni Ate Rica na sa pagsisimula ng kanilang Bacsilog business ay dito niya nasubukang bumenta ng tatlong libong piso (P3k) sa loob lamang ng isang araw.

Sa pagpapatuloy ng kanilang Bacsilog business, kalaunan ang ilan sa kanilang kustomer ay naging business partner nila.

Bagamat dumaan ang COVID19 pandemic ay hindi ito naging hadlang para tumigil si Ate Rica sa kanyang Bacsilog business sa may UST, kahit na naka-lock down sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila ay ipinapatuloy niya ito hanggang sa makabawi.

Sa paghupa ng COVID19 ay nagsimulang makabawi ang Ate Rica’s Basilog hanggang umabot na ito ngayon ng 200 branches.

Sa nakalipas na 15-taon na pago-operate ng Ate Rica’s Bagsilog (The Original Bacsilog) ay masasabing isang matatag na negosyo ito sa bansa na pinatatakbo ng isang babae.

Si Rica Penalosa na nagmamay-ari ng Ate Rica’s Bacsilog ay isa binibigyan ng pagpupugay sa pagdaraos ng National Women’s Month sa tuwing sumasapit ang buwan ng Marso 1 hanggang 31 taon-taon.

(Joel O. Amongo)

27

Related posts

Leave a Comment