BAGONG UPGRADE SA MERALCO ZAPOTE SUBSTATION

Higit na pinatibay ng Meralco ang kanilang Zapote Substation na matatagpuan sa Barangay Elias Aldana, Las Piñas City sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang (1) three-phase 115-kV power circuit breaker, dalawang (2) three-phase 115-kV disconnect switch, at mga protection at control equipment. Ang proyektong ito ay kaugnay ng pagtatayo ng ikalimang 300-MVA power transformer bank ng NGCP sa kanilang Las Piñas Substation.

Layunin nitong makapagbigay ng karagdagang kapasidad upang tugunan ang tumataas na demand sa Pasay City, katimugang bahagi ng Makati at Taguig, pati na rin ang ilang bahagi ng Parañaque, Muntinlupa, at Las Piñas. Makababawas din ito sa normal loading ng Zapote Delivery-Point Substation para sa N-1 compliance tuwing may biglaang pangangailangan.

Patuloy na nagsusumikap ang Meralco upang lalong mapabuti ang paghahatid ng ligtas, sapat, maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa lahat ng customer nito.

259

Related posts

Leave a Comment