BAGONG VERMOSA SOUTH SUBSTATION NG MERALCO

Pinasinayaan kamakailan ng Meralco ang bagong Vermosa South 115 kV – 34.5 kV Substation na matatagpuan sa bahagi ng Daang Hari Road sa Imus, Cavite.

Ang bagong substation ay makababawas sa load ng kalapit na Imus power transformer bank 2.

Magbibigay din ito ng karagdagang kapasidad upang matugunan ang tumataas na demand sa lugar at maserbisyuhan nang mas mabuti ang malalaking customer nito katulad ng SM City Molino, The District Dasmariñas, Ayala Vermosa Sports Hub, at Westfield Subdivision.

Bahagi ng proyektong ito ang pagtatayo ng bagong 5-km 115 kV sub-transmission line sa kahabaan ng Daang-Hari Road na siya namang nakakonekta sa Dasmariñas-Abubot-SMC-Imus Line.

Patuloy na nagsusumikap ang Meralco upang higit na mapabuti ang paghahatid ng ligtas, sapat, maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa lahat ng customer nito.

265

Related posts

Leave a Comment