Ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), sa pangunguna ni Maestro Yoshikazu Fukumura, ay maghahandog ng kanilang pagtatanghal sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sila ay magsasagawa ng kanilang ikalimang concert sa Enero 24, 2020 sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines sa ganap na alas-8 ng gabi kung saan ang kanilang guest performer ay walang iba kundi si bassoon player Adolfo O. Mendoza.
Ang program ay kinabibilangan ng Antonin Dvorak’s Serenade for String Orchestra, op.22, E Major; Wolfgang Amadeus Mozart’s Bassoon Concerto, B-flat Major and Cesar Franck’s Symphony in D minor.
Si Mendoza ang siyang Principal Bassoonist ng Philippine Philharmonic Orchestra. Siya rin ay isang faculty member ng University of Santo Tomas’ Conservatory of Music, Sta. Isabel College of Music at Conductor sa Trinity University of Asia Symphonic Band.
Siya rin ang Music Director at Conductor sa Lyceum Northwestern University Chorale at Balon Dagupan City Government Chorale.
Si Mendoza ay isa ring founder at President ng Pandaragupan Youth Orchestra, Inc. Founder din siya at Music Director ng Philippine Pops Orchestra. Kilala rin siya bilang isang Music Consultant ng Dagupan City.
Hindi rin matatawaran ang kahusayan pa ni Mendoza dahil siya ay naging bassoonist para sa musical na “Miss Saigon” sa Manila run nito na ginanap sa Cultural Center of the Philippines mula September 2000 hanggang March 2001 at sa Hong Kong at Singapore mula March hanggang August 2001.
Siya rin ay nagtanghal bilang principal bassoon ng Philippine Philharmonic Orchestra sa kanilang European Tour (Austria, Czech Republic, Spain at Germany) noong 2001 at sa naging Japan concert tour noong September 2002.
Tinapos ni Mendoza ang kanyang Bachelor of Music Major in Bassoon sa University of Santo Tomas’ Conservatory of Music sa pagtuturo nina Prof. Romeo Verayo at Prof. Arnaldo Custodio. Tinapos din niya ang kanyang Doctor of Musical Arts sa Texas Tech University sa Texas U.S.A. noong 2016 sa pagtuturo ni Prof. Richard Meek. Siya ay naging second place winner sa National Music Competitions for Young Artists (NAMCYA) Solo Bassoon Category C noong 1992, at naging miyembro ng UST Woodwind Quintet, at nakatanggap ng first prize sa NAMCYA Chamber Music Category noong 1993.
Para sa PPO concert, ang ticket prices ay Php1500/1200/800/500/400, na may discounts sa students, senior citizens at groups. Para sa katanungan, tumawag sa CCP Box Office sa 8832-3704.
427