GOV’T NURSE MAS LAMANG NA SA SAHOD NG TEACHERS

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAUUNGUSAN ng mga government nurses ang mga public school teachers sa sahod simula sa susunod na taon at lalong lalaki ang agwat ng mga ito sa susunod na apat na taon.

Simula sa 2020 ipatutupad na ang P30,531 na sahod ng mga government nurse matapos manalo ang mga ito sa kaso sa Korte Suprema at kasama din ang mga ito Salary Standardization Law (SSL) 5.

Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, magkakaroon ng P6,088 na karagdagang sahod ang mga government nurse sa loob ng apat na taon o simula 2020 hanggang hanggang 2023.

“We are counting on the 76 percent (or P15,865) increase in the base pay – from P20,754 to P36,619 – to help reduce the migration of Filipino nurses, and to encourage new nursing graduates to practice their profession,” ani Defensor.

Malayung-malayo na ito sa sasahurin ng mga public school teachers pagdating ng 2023 dahil aabot lamang ito ng P27,000 matapos mabigo ang mga ito sa kanilang kahilingan na itaas sa Salary Grade (SG) 15 ang kanilang sahod mula sa kasalukuyang SG 11.

Sa ngayon ay P20,758 ang buwanang sahod ng mga public school teacher 1 bagama’t mas mataas ang ibibigay na umento sa mga ito sa loob ng apat na taon na aabot sa P6,245 kumpara sa government nurse na P6,088 ay hindi pa rin makakahabol ang tinaguriang pangalawang magulang ng mga bata.

Dahil dito, ayaw isuko ni ACT party-list Rep. France Castro ang kanilang laban na itaas sa SG 15 ang sahod ng mga public school teacher na may kasing laki ng sasahurin ng mga government nurses.

“Wala kaming balak na itigil ang laban na magkaroon ng disenteng sahod ng mga teachers natin,” ani Castro kaya kahit maimplementa aniya ang SSL 5 sa susunod na taon ay ayaw ng mga ito na iatras ang kanilang panukala ukol dito.

 

 

 

171

Related posts

Leave a Comment