(Ni ANN ESTERNON)
Ang breast cancer ay nangungunang cancer na nakukuhang sakit ng mga babae ngunit maaaring makaapekto rin sa mga lalaki.
Ito ay isang sakit na malignant (cancer) cells na nakikita sa tissues ng breast o suso.
Ang cancer o tumor ay ang abnormal na bukol o paglaki ng cells sa partikular na parte ng katawan. Kapag ang cells ay abnormal at lumalaki nang walang control ito ay tinatawag na cancerous cells (malignant) at delikado dahil nasa peligro ang kaligtasan at buhay ng pasyente.
Kahit sino ay pwedeng tamaan ng sakit na breast cancer, babae man o lalaki at anuman ang edad. Kapag na-diagnose ng doktor na ang pasyente ay may tumor, ang unang gagawin ng doktor ay kung ito ay benign o malignant. Sa paraang ito malalaman kung paanong paggamot o paggaling ang kailangan ng pasyente.
Malignant at benign
Malignant ang tumor kung ito ay cancerous habang benign naman kung hindi ito cancerous.
Kapag benign tumor, ibig sabihin ang cells ay hindi kakalat. Kapag malignant tumor ito ay maaaring kumalat sa ibang tissues at organs.
Kailangan maging maingat – babae man o lalaki – para maiwasan ang pagkakaroon ng breast cancer dahil kahit anong edad ay maaaring kapitan nito at kahit anong edad ay maaaring kapitan nito. Katunayan may edad 18-anyos na sa pagsusuri ng mga doktor ay mayroong bukol sa kanyang suso na sinlaki na ng holen. Sinusuri ito kung ito ay benign.
Alamin ang tamang pagsusuri sa suso. Sa harap ng salamin, ay kapain ito kung mayroong bukol. Ang bukol ay maaaring sinlaki ng butil ng mais o maaaring kasinlaki na ito ng holen.
Kapag ang bukol ay maliit pa ay malaki ang posibilidad na matanggal ito at makakatulong ang pagtungo at paghingi ng tulong sa mga ospital ng gobyerno. Matatanggal ito sa pamamagitan ng surgery. May ibang mga pasyenteng hindi naman talaga gumastos dahil sa paghingi ng tulong sa public hospital.
Kapag iba na ang stage ng cancer ay maaaring kailanganin nito ng chemotherapy.
Ang chemotherapy ay ang paggamit ng anumang gamot para magamot ang anumang sakit. Pero para sa iba ang chemotherapy ay gamutan para sa may sakit tulad ng breast cancer. Ang surgery at radiation therapy ay nakakatanggal at nakakamatay o nakakasira ng cancer cells sa partikular na area, pero sa chemo ay maaaring kakayanin ito sa buong katawan.
Senyales na may cancer sa suso
– Ilang senyales na may bukol sa suso ay kapag hindi pantay ang laki o size ng mga suso.
– Kapag ang utong ay kulubot. Ang normal na utong ay mabilog at makinis.
– Kapag ang utong ay nag-iba at bumaliktad o parang yupi ito.
– Kapag ang suso ay hindi makinis at animo’y balat ito ng orange.
– Obserbahan kung may discharge mula sa utong lalo na kung hindi naman kayo buntis. Maging maagap kapag may biglang lumabas na nana, dugo o anumang likido mula sa utong.
– pamamaga at pamumula ng suso o ang bahaging malapit dito tulad ng malapit sa kilikili.
Mahal ang gamutan sa anumang uri ng cancer at totoong mahirap itong gamutin kapag nasa delikadong stage na. Kailangan ng matinding suporta ng pamilya para malampasan ang sakit na ito. Mahalaga ring magpasuri nang regular sa doktor para maiwasan ito, o maiwasang lumala pa habang may panahon pa.
Mga dapat tandaan para maiwasan ang pagkakaroon ng cancer
– Magkaroon at imantina ang malusog na pangangatawan at timbang. Apektado ng pagkain, lalo na kung sobrang dami, ang ating katawan.
– Kailangang gumalaw-galaw o mag-ehersisyo. Hayaang maging aktibong gumalaw ang katawan at iwasan ang pagiging tamad. Kahit may cancer na ay kailangang mag-ehersisyo na paalala ng doktor dahil kailangang dumaloy ang dugo sa lahat ng parte ng katawan.
– Kumain ng masustansyang mga pagkain partikular ang mga gulay at prutas. Mas maganda kung mayroon kayong plant-based diet para mas siguradong may nutrisyon ang inyong kinakain at tanggalin na mismo ang karne. Maaaring mag-isda at kaunti na lamang seafood. Sa paraang ito ay ibaba ang kolesterol sa katawan, alta presyon, at maging ang blood sugar.
– Mahalaga ang soy foods sa katawan tulad ng taho, tofu o tokwa, at soy milk. Ang mga pagkaing ito ay hindi nakaka-arthritis kaya walang dapat na ipag-alala.
– Iwasan ang red meat (baboy, baka), at processed meat
– Iwasan ang alcoholic drinks dahil napatunayan na itong nagiging sanhi ng liver cancer, liver cirrhosis.
– Bawasan ang asin o maaalat na mga pagkain.
– Para sa mga nanay, mahalaga na mapasuso ang inyong sanggol.
– Kailangang kumain ng mga pagkaing may fiber na nakukuha sa mga prutas at mga gulay. Ang fiber ay makakatulong para sa mabilis na paggalaw ng ating bituka.
Breast cancer stages
Stage 1. May laking hindi aabot sa 0.7 centimeters. Maaaring hindi kailanganin nito ng chemotherapy.
Stage 2. Kailangan nang sumailalim sa chemotherapy.
Stage 3. Halata na o mayroon nang bukol at kailangan na ng chemotherapy.
Anumang bukol ay kailangang agad na masuri ng doktor kaya kailangang magkaroon ng pagsusuri sa sarili at magtungo agad sa doktor upang magawan ito ng karampatang gamutan o lunas.
1282