GREEN ENERGY

GREEN ENERGY

Affordable at clean energy na maaasahan

(Ng PFI Reportorial Team)

Sa panahon ngayon ay kinikilala ng marami ang kahalagahan ng green energy sa buong mundo.

Ang green energy ay nagmumula sa natural na mga pinagkukunan ng enerhiya tulad ng sikat ng araw, hangin, ulan, mga alon, mga halaman, lumot at geothermal heat o ang init na nagmumula sa ilalim ng lupa.

Ang mga ito ay renewable o natural na napapalitan kumpara sa enerhiya mula sa langis, karbon o uling, at natural gas na maaaring maubos sa darating na panahon.

Malaking porsyento sa mundo ang nakadepende sa paggamit ng coal, oil, at natural gas para sa kanilang enerhiya. Ito ay tinatawag na fossil fuels.

Ang fossil fuels ay hindi renewable, ibig sabihin ito ang mga pinagkukuhanang may hangganan at maaaring masira, nagiging masyadong mahal, o may sobrang masamang epekto sa ating kapaligiran – na mahirap mabawi o mabago. Kaya mahalagang opsyon na may renewable energy at dapat magamit at masuportahan sa buong mundo para may kinabukasan pa tayong inaasahan para sa lahat.

Renewable energy sa Pilipinas

GREEN ENERGY-2Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na maganda para sa mga nasabing pangangailangan sa enerhiya. Tandaan natin na mayaman tayo sa tubig dahil napaliligiran ang bansa natin nito at mayaman din tayo sa sikat ng araw dahil na rin sa dalawa lang ang panahon natin: tag-init at tag-ulan.

Ang renewable energy ay isang mahalagang bahagi ng low emission development strategy ng bansa at mahalaga ito sa pagtugon natin sa mga hamong ibinibigay ng climate change, energy security, at access sa enerhiya.

Mayroon tayong tinatawag na sustainable energy – ito rin ay kadalasang tinatawag na renewable energy – kung saan ang prinsipyo nito sa paggamit ng enerhiya ay tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang panahon na hindi nakokompromiso sa kakayahan ng mga susunod na henerasyon upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Ang renewable energy sources nito ay tulad ng nababanggit sa taas. Gayunman, ang mga partikular na renewable energy projects na ito, gaya ng paglilinis ng mga gubat para sa produksyon ng biofuels, ay maaa­ring humantong sa katulad o mas malala pa sa pinsala sa kapaligiran kung ihahambing sa paggamit ng fossil fuel e­nergy (hydrocarbons, lalo na ng mismong carbon, langis ng gasolina o natural na gas, na nabuo mula sa labi ng mga patay na halaman at hayop).

Mayroong malaking kontrobersya kung ang nuclear energy ay maaaring ituring na sustainable.

Ang sustainable energy na ito ay may dalawang haligi: mas malinis na paraan na paggawa ng enerhiya at konserbasyon sa paggamit nito.

Dahil sa lumalaking bilang ng populasyon ng Pilipinas at iba pang mga bansa sa buong mundo, ay kinukulang din tayo sa suplay ng kuryente o enerhiya at sa ganitong panahon ay nagmamahal ang singil dito kaya mas kailangan natin ng mas murang opsyon – ang sustainable o renewable energy.

Sa teknolohiyang ito ay nilaan para makalikha ng kuryente, para mapainitan at mapalamig ang mga gusali, at mapagana ang mga transportation system at mga makina.

Ang halaga ng sustainable energy ay bumaba nang malaki sa maraming taon sa buong mundo, at patuloy pa itong bumababa na isang malaking bagay. Dahil dito may effective government policies na sumusuporta sa investor confidence at ang merkadong ito ay lumalaki rin. Ang paglago nito ay ginagawa sa energy transition mula sa fossil fuels hanggang sa ecologically sustainable systems hanggang sa punto kung saan maraming mga pag-aaral ang sumusuporta sa 100% renewable energy.

May mga institusyon na handang tumulong sa bansa para puhunan ang mga proyekto sa ilalim ng renewable energy.

Ang kailangan lang natin ay magkaroon tayo ng sistema na maayos at matatag para mapalaganap ang renewable energy. Mayroon na tayo ritong tinatawag na solar at wind energy na pinakikinabangan na ng ilang komunidad.

hydroelectric power plantMayroon tayong wind turbines sa Ilocos Norte. May solar power plants sa Negros Occidental at Batangas. Mayroon ding hydroelectric power plants sa mga dam sa Luzon at Mindanao. Kung mas marami pa ang susuporta at tutulad dito ay malaking kapakinabangan ito sa ating bansa at sa ating ekonomiya.

MGA BENEPISYO NG GREEN ENERGY

Sa green energy, hindi lang naman ang ating kapaligiran ang magbebeni­pisyo rito.

Totoo naman, ang green energy ay nakababawas ng global warming emission at pollution. Maliban diyan, heto pa ang ilang mga halimbawa ng benepisyo ng green energy:

SOLAR POWER-2MAAASAHAN. Ang wind at solar power ay maaasahan, ito ang mga bagay na less na nakararanas ng large-scale failure dahil ito ay distributed (spread out ito sa mala­king geographical area) at modular (yari sa multiple units ng equipment). Ibig sabihin nito ang isyu sa isang geographical area, tulad ng bagyo, o iba pang pagkakaroon ng pagkaantala ng serbisyo.

TRABAHO. Dahil may mga tumatangkilik sa green energy at nagpapatuloy ang paglago nito, naroon din na nakalilikha ito ng maraming trabaho sa renewable energy industry.

MABABANG HEALTH CARE COSTS. Batid natin na ang air at water pollution mula sa fossil fuels ay nagiging sanhi ng cancer, problema sa paghinga, heart attacks at iba pang health issues. Kapag napalitan ang fossil fuels ng green energy sources, ito ay nakatutulong  sa pagbawas ng harmful emissions at nalilinis ang kalidad ng hangin at tubig, kaya naman ang public health ay gumaganda at napabababa ang healthcare costs.

TULONG SA EKONOMIYA. Sa mga lokal na pamahalaan, nakasisingil o nakakokolekta sila ng buwis sa mga renewable energy projects, na pwedeng maging para sa mga serbisyo-publiko.

386

Related posts

Leave a Comment