MAHUSAY NA KOMUNIKASYON NG MERALCO NAGNINGNING SA IKA-20 PHILIPPINE QUILL AWARDS.

Pinangunahan nina Manila Electric Co. (Meralco) Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga at One Meralco Foundation (OMF) President Jeffrey O. Tarayao ang pagtanggap ng 28 parangal sa katatapos lamang na 20th Philippine Quill Awards, kung saan kinilala ang mga programa ng kumpanya na nakatuon sa pampublikong serbisyo, sustainability, at innovation sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon.

“Ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa buong Meralco na lalo pang paghusayan ang aming mga programang pampublikong komunikasyon para makapaghatid ng mas magandang serbisyo sa publiko,” ani Zaldarriaga.

Tanging ang Meralco pa lamang ang nakapagkamit ng karangalan na maitanghal na “Company of the Year” sa loob ng tatlong magkakasunod na taon. Sa katatapos lamang na pagpaparangal, itinanghal ang Meralco na 1st Runner Up.

Ang Philippine Quill Awards ay pinapangunahan ng International Association of Business Communicators Philippines at itinuturing na isa sa pinakaminimithing parangal ng mga kumpanya sa larangan ng komunikasyon. Kinikilala nito ang husay at dedikasyon ng mga kumpanya sa pagpapatupad ng mga programang nagpapakita ng mahusay at epektibong komunikasyon sa iba’t-ibang industriya.

57

Related posts

Leave a Comment