REP. NOGRALES: KABATAAN BIGYAN NG EXTRA TRAINING

HINIKAYAT ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, chairman ng House of Representatives’ labor and employment committee, ang gobyerno na maglaan ng accessible avenues para sa mga kabataan na magkaroon ng extra skills sa gitna ng tumitinding kumpetisyon sa labor market.

“As we commemorate Rizal Day, I hope we will be reminded of the power of education, and how it can help our youth tackle the challenges of the future,” pahayag ni Nograles.

Ipinunto ng Rizal lawmaker kung paanong ang kritikal na edukasyon ng national hero ay nagpalakas sa bayani, at kung paanong ang gobyerno ay maaaring makagawa ng hakbang upang muling makalikha ng “new Rizals” para sa bagong henerasyon.

“On the part of the government, I hope that we provide more accessible avenues for our youth so they can avail of extra training and constantly improve themselves so their chances of being hired for jobs can also increase,” dagdag niya.

“If we want more of our youth to be like Rizal, we must provide the opportunities for them to be able to harness their skills and discover new ones,” aniya pa.

Sa gitna ng mga pagsubok na kinahaharap dahil sa climate crisis at artificial intelligence sa employment trends, binigyang-diin ng Harvard-trained lawyer, ang pangangailangan na maging “future-ready” ang mga kabataan.

“Kailangang handa ang kabataan hindi lang sa mga hamon ng kasalukuyan, kundi pati sa hinaharap. Kaya mahalaga na tulungan sila ng pamahalaan na maging ‘future-proof’ ang mga kaalaman at kahusayan nila,” pahayag ng mambabatas.

“Umaasa tayo na magkaroon ng mga partnership sa pagitan ng pamahalaan at mga institusyon at pribadong sektor para mabigyan ng kinakailangang training at kalinangan ang kabataan,” dagdag pa ni Nograles.

(JOEL O. AMONGO)

51

Related posts

Leave a Comment