Mas convenient na! i-Pick-Up ang iyong PSA Certificates sa LBC Sa oras at branch na gusto mo

11 APR 2024: Manila, Philippines: Nagsanib puwersa ang PSA Serbilis at LBC Express upang ilunsad ang  bagong service feature para sa pagkuha ng inyong certificates mula sa Philippine Statistics Agency (PSA). Layunin ng bagong inisyatibong ito na mas maging accessible sa mas nakararaming Pilipino ang essential government services.

Sa ilalim nito, maaari nang piliin ng mga customer na nagrerequest sa PSA Serbilis website (http://psaserbilis.com.ph) ang anumang branch ng LBC sa buong Pilipinas bilang preferred pick-up location para sa kanilang PSA certificates. Ang serbisyong ito ay para sa mga kustomer na hindi laging available para sa home deliveries o yung mga naghahanap ng mas flexible collection option.

Ang LBC Branch Pick-Up service na ito na ngayo’y nasa PSA Serbilis delivery page na ay katunayan na kapwa committed ang dalawang organisasyon na magbigay ng convenient, efficient, at accessible services sa ating mga kababayan. Sa paggamit sa higit 1,400 branches ng LBC sa iba’t ibang panig ng bansa, mas may flexibility at control na ang mga kustomer sa kung paano nila makukuha ang kanilang mga importanteng dokumento .

Narito ang mga benepisyo ng PSA Serbilis:

  • Convenience: Maaaring pumili ang mga customer mula sa napakaraming LBC branches bilang collection point ng kanilang PSA certificates.
  • Flexibility: Angkop ito para sa mga indibidwal na nais ipick up ang kanilang mga dokumento sa branch at oras na nais nila.
  • Nationwide Reach: Ang service option na ito ay available sa alinman sa higit 1,400 branches ng LBC.
  • Easy Access: Ang service na ito ay hassle-free at easily selectable sa PSA Serbilis website.

“Ang partnership na ito ay sumasalamin sa magkaisang layunin ng aming mga kumpanya na gumamit ng innovation at collaboration para mapagsilbihan nang mas mabuti ang sambayanang Pilipino. Sa pamamagitan ng aming pinagsanib na puwersa, tiyak na mapapabuti at maiaangat ang standard sa pag-access ng government-issued documents para maging madali para sa ating mga kababayan, saan man sila naroon”, ayon kay Jerome S. Santos, SVP for Corporate Sales.

Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano piliin ang LBC Branch Pick-Up service para sa inyong  PSA certificate requests, bisitahin lang ang PSA Serbilis website:  www.psaserbilis.com.ph

143

Related posts

Leave a Comment