EX-PARTNER NI POKWANG IDINEPORT NA

MATAGUMPAY na napatalsik sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang American national na si Lee O’Brian.

Magugunitang noong nakaraang taon, naghain ng deportation case ang Filipino comedian na si Marietta Subong o mas kilala bilang si “Pokwang” laban sa kanyang dating live-in partner dahil sa pagtatrabaho nang walang kaukulang permit.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Subong na si O’Brian ay nagtatrabaho sa iba’t ibang production companies nang walang permit mula sa Department of Labor and Employment at BI.

Nakakita ng merito ang BI sa nasabing reklamo at inutusang i-deport si O’Brian noong Disyembre dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanyang pananatili.

Naghain si O’Brian ng mosyon para sa muling pagsasaalang-alang, na kalaunan ay na-deny.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, si O’Brian ay na-deport noong Abril 8 sakay ng Philippine Airlines flight patungong San Francisco, USA, matapos makumpirma ng BI na wala siyang pending local case sa Pilipinas.

Bilang resulta ng kanyang deportasyon, ang kanyang pangalan ay kasama na sa blacklist ng BI, na humahadlang sa anomang mga pagtatangka sa hinaharap na muling makapasok sa bansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

31

Related posts

Leave a Comment