Matinding aksyon, maiinit na tapatan, dapat abangan sa 1st Edition ng World Slasher Cup 2024

Siguradong walang puknat na aksyon ang sasalubong sa mga manonood ng first edition ng World Slasher Cup, ang tinaguriang Holy Grail ng cockfighting, na nakatakdang mangyari mula January 29 hanggang February 4 sa Smart Araneta Coliseum.

Walang patumanggang bakbakan ang nag-aantay para sa mga kalahok at gayon na rin sa fans. Magsisimula ang tapatan sa January 29 at 30 para sa eliminations. Mag-iinit naman ang Big Dome sa semi-finals na gagawin mula January 31 hanggang February 1.

Pansamantalang hihinto ang World Slasher Cup sa February 2 bago ituloy ang labanan sa pre-finals na nakatakda naman sa February 3. Pagdating ng February 4, malalaman na natin kung sino ang magiging kampeon pinagpipitaganang kompetisyon.

“Siguraadong mapapabilib sa mainit na aksyon ang mga fans ng sabong dito sa 1st Edition ng World Slasher Cup 2024,” ayon kay Irene Jose, Uniprom COO. “Malugod naming inaanyayahan ang lahat ng mga sabong fans sa Bog Dome para sa event na ito.”

Nitong 2023, dalawang kampeon ang itinanghal nang natapos ang 2nd Edition ng 2023 World Slasher Cup ang 22GF/Ormoc Joe ni Pablito Gregore at Infiniti Gold 6-Cock Derby June 21 Manila Arena-2 ni Joseph Panganiban ang kinilala sa naturang patimpalak matapos silang magtala ng 7.5 points.

Ngayong taon, maraming sabungero mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ang muling magsasama-sama sa Smart Araneta Coliseum upang magtuos at magtagisan para maiuwi ang kampeonato sa World Slasher Cup.

“Sa ating mga sabong fans diyan, ngayon pa lang ay bumili na kayo ng inyong mga ticket dahil inaasahan nating talagang dadagsain itong World Slasher Cup 2024 1st Edition. ‘Wag niyong palampasing ang pagkakataong mapabilang sa aksyon,” pag-aanyaya ni Jose.

Para makabili ng ticket para sa nasabing event, bumisita lang sa link na ito.

Para naman sa karagdagang impormasyon kaugnay ng World Slasher Cup, bumisita sa https://www.worldslashercup.ph/. Maaari mo ring i-like at i-follow ang kanilang Facebook page.

84

Related posts

Leave a Comment