MAYOR ERIC BINUKSAN ANG PARAÑAQUE CITY ATHLETIC MEET 2023

Pinangunahan ni Mayor Eric L. Olivarez ang pormal na pagbubukas ng 2023 City Athletic Meet kaninang umaga sa Baclaran Elementary School Central.

Taunang ginagawa ang city athletic meet bilang kompetisyon ng mga atleta mula sa mga pribado at pampublikong paaralan na nagwagi sa kani-kanilang mga kategorya sa preliminary level.

Ayon kay Mayor Olivarez, ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay magiging kinatawan ng Parañaque City sa gaganaping National Capital Region (NCR) Palaro. Samantala, ang mananalo naman sa NCR Palaro ay magiging representante ng Palarong Pambansa.

Sa programang ito ay binigyang-pugay ng butihing alkalde ang mga atletang kalahok sa athletic meet na ito. Bilang isang ding atleta na naglalaro sa larangan ng tennis, binigyang-diin din ni Mayor Eric kahalagahan ng sports na kung saan ang mga natutunan ng mga atleta, tulad ng disiplina, tiyaga, at sipag ay maaari ring gamitin sa ibang larangan.

Dagdag pa ni Mayor Eric, ang paglalaro ng kahit ano mang sports ay magandang libangan sapagkat ang kanilang atensiyon ay hindi nababaling sa mga masasamang gawain, tulad ng paggamit ng droga at pag-inom.

Bukod dito, malaking tulong din ang pagiging atleta dahil sila ay maaaring makapag-aral ng libre sa kolehiyo sa pamamagitan ng athletic scholarship na inaalok ng mga unibersidad.

Kasama ring dumalo upang saksihan ang pagbubukas ng 2023 City Athletic Meet sina District 1 Congressman Edwin L. Olivarez, Barangay Baclaran Captain Julius Anthony “Jun” Zaide, Schools Division Superintendent Dr. Evangeline P. Ladines, at Assistant Schools Division Superintendent Dr. Violeta Gonzales.

See: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid0UHo1rtsnuAuWy6eFVHmfvhdfvBSe5ZxjFK4FYX7XTp8AHmCJwr7VKkNKzUyN3AMGl&id=100088103923729&mibextid=Nif5oz

210

Related posts

Leave a Comment