BAGONG LA MESA SWITCHING STATION NG MERALCO

– Pinasinayaan kamakailan ng Meralco ang bagong La Mesa 115 kilovolts (kV) Switching Station na matatagpuan sa loob ng Light Industrial Science Park 2 (LISP 2) sa sa Calamba City, Laguna para mapabuti ng system reliability at power quality .

Bahagi ng proyektong ito ang pagtatayo ng isang gas circuit breaker, tatlong (3) disconnect switch, at standard connection and metering facilities para sa lokal na opisina ng STMicroelectronics Inc. (STMI), ang pinakamalaking European semiconductor contract manufacturing and design company.

Ang bagong switching station ay makatutulong sa pagtaas ng electric service ng STMI sa 115 kV mula 34.5 kV, at upang matugunan ang inaasahang pagtaas sa demand nito sa 13.5 megawatts (MW) ngayong taon, at 20 MW naman pagdating ng taong 2027 mula 7 MW noong 2022.

Natapos ang pagtatayo ng nasabing switching station sa loob lamang ng limang buwan bunga ng pagtutulungan ng One Meralco group kabilang na ang MServ, isa sa pinakamalaking contractor ng Electrical, Mechanical, Fire Protection, and Plumbing (MEPF), at energy service companies (ESCO) sa bansa, at MIESCOR, isa sa mga nangungunang service provider para sa engineering, construction, at maintenance service sa bansa. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Meralco sa mga Enterprise customers upang makapagbigay ng angkop na solusyon upang masiguro ang maaasahang serbisyo ng kuryente para sa kanilang mga
negosyo.

Walang tigil na nagsusumikap ang Meralco at mga subsidiary nito upang lalong mapabuti ang paghahatid ng sapat at maaasahang serbisyo ng kuryente sa lahat ng kanilang mga customer at magampanan ang kanilang pangako na #KeepingTheLightsOn at #PoweringABrighterTomorrow.

224

Related posts

Leave a Comment