Mga BDO Kabayans! Tuwing unang Martes ang Kabayan Day sa SM!

Ang BDO Remit, ang pambansang remittance service ng BDO Unibank, kasama ang SM Supermalls, ay naglunsad ng “Kabayan Day,” isang buong-taon na eksklusibong promo at selebrasyon para sa mga pamilyang Pilipino sa ibang bansa!

Simula ngayong 2024, magiging mas masaya at makabuluhan ang bawat unang Martes ng buwan dahil itinakda na ito bilang “Kabayan Day”. Dito, maaaring ma-enjoy ang espesyal na discount na umaabot hanggang 10% sa alinmang branch nationwide ng mga sumusunod na SM affiliates: SM Store, SM Appliance, SM Cinema, SM Skating, SM Bowling, SM Game Park, Sports Central, Toy Kingdom, Baby Company, Miniso, Surplus, Watsons, at Ace Hardware.

Maliban sa remittance, bahagi ang “Kabayan Day” sa pagsusumikap ng BDO Remit na gawing mas espesyal ang mga pamilyang Pilipino sa ibang bansa at bilang pasasalamat sa kanilang pagpili sa BDO Unibank bilang kanilang financial partner.

Ang “Kabayan Day” ay hatid sa inyo ng BDO Remit at SM. Patuloy ang pagtutulungan ng dalawang institusyon upang lalo pang bigyan ng importansya ang mga Pilipino sa ibang bansa.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang http://www.bdo.com.ph o i-like at i-follow ang BDO Kabayan Facebook page.

41

Related posts

Leave a Comment