LUCENA CITY – Apat ang kumpirmadong namatay sa sunog na sumiklab sa lungsod nitong Biyernes ng madaling araw.
Kabilang sa namatay ang dalawang matanda, isang 18-anyos na lalaki at isang batang lalaki.
Kinilala ng Lucena PNP ang mga biktimang ang 72-anyos na na si Lolit Lubiano, isang bed ridden na PWD; Juanito Hernando, 65; ang senior high School student na si Jay Mark Hernando, 18; at ang 8-anyos na si Mark Rainiel Hernando.
Habang sugatan si Margarita Lubiano Punzalan, anak ng namatay na si Lolit, na dumanas ng 2nd degree burn.
Ayon sa report, nagsimula ang sunog dakong alas-3:45 ng madaling araw sa dalawang palapag na bahay ng mga biktima sa residential area sa Ibarra St., Barangay 1, na sakop ng city proper.
Agad sumaklolo ang mga tauhan ng BFP-Lucena City at itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.
Dakong alas-6:26 ng umaga nang ideklara ng BFP na fire-out ang sunog.
Nang mapasok ng mga awtoridad lugar ng insidente, tumambad ang 4 na bangkay na na-trap sa loob ng bahay.
Tinatayang nasa kalahating milyong piso ang halaga ng napinsalang mga ari-arian.
Nagsasagawa pa ng clearing operation ang mga tauhan ng BFP at inaalam ang pinagsimulan ng sunog.
(NILOU DEL CARMEN)
351