Matapos ang mahigit dalawang taon, muli nang bubuksan sa publiko ang CCP Arthouse Cinema para ipalabas ang mga pinarangalang mga pelikula ng National Artist na si Lino Brocka, sa Abril 22, 2022, sa Tanghalang Manuel Conde.
Upang ipagdiwang ang buwan ng kapanganakan ng yumaong National Artists, magkakaroon ng espesyal na pagpapalabas ng Bayan Ko: Kapit sa Patalim sa ganap na ala-1:00 ng tanghali na susundan ng Insiang sa ganap ng alas-4:00 ng hapon.
Sa Bayan Ko: Kapit sa Patalim (109 minuto), si Turing na nagtatrabaho sa isang printing press ay lumagda ng kontrata na sang-ayon na hindi siya makikibahagi sa anomang labor union. Nang magsimula ang strike, tinanggihan niyang suportahan ang kanyang mga kasamahan. Bilang resulta, si Turing at ang kanyang buntis na asawa ay hindi nabigyan ng tulong, daan upang si Turing ay mapabilang sa isang nakawan.
Ang Insiang ay tungkol sa isang batang babae na naninirahan kasama ang kanyang ina sa isang lugar ng mga iskwater sa Maynila. Ang kanyang buhay ay naging mabigat nang ang batang nobyo ng kanyang ina ay napasama na sa kanila.
May mga limitadong upuan para sa naturang on-site screening kaya pinapayuhan na maagang magparehistro (https://forms.gle/ZJTshJoNb3HHRE4m7). Ang mga manonood ay makakukuha ng limitadong kopya ng Scenes Reclaimed catalog.
Ang parehas na pelikula ay mapapanood din worldwide mula April 23 hanggang 29 sa CCP Vimeo Channel. Para makapanood, magsadya sa vimeo.com/showcase/ccparthousecinema.
711