MGA PRUTAS NA NATATANGI SA ‘PINAS

PRUTAS

Mahihilig tayong mga Pinoy na kumain ng iba’t ibang prutas.

Dito sa Pilipinas may mga prutas tayo na sadyang tinatangi na tila hindi nakukumpleto ang buong taon natin kung hindi tayo nakatitikim o nakakakain nito.

Kapag ang espesipikong prutas ay wala sa isang lugar ay pumaparaan tayo na makuha ito – pwede nating ipakisuyo sa iba upang makarating ito sa ating mga hapag. Partikular dito kung ikaw halimbawa ay taga Maynila at ang hinahanap mong prutas ay magmumula pa sa Laguna upang sadyang mas masarap ito kumpara sa mga nabibili lamang dito sa Maynila.

Halina’t alamin natin ang sarap ng iba’t ibang mga prutas sa ‘Pinas…

MAKOPA

makopa-1Ang prutas na ito na ay tinatawag sa Ingles na java apple o rose apple. Kahawig ito ng kampana at ang kulay habang papahinog ay pink hanggang sa magkulay pula. Ang lasa nito ay naiiba ngunit masarap lalo na kung matamis at malutong.

Napakadalang makita sa merkado ang makopa dahil tanging may mga puno lamang ang talagang napakaswerteng makakakain nito o kung kayo mismo ang may kapitbahay o kalugar na may puno nito na pwedeng mahingan ng nasabing prutas.

Bibihira lamang din ang nakaaalam sa health benefits ng makopa. Ito ay mayaman sa vitamin C, dietary fiber, vitamin A, calcium, thiamin, niacin, iron, sulfur, at potassium.

ARATILES

Aratiles-2Ito ang uri ng prutas na pangkaraniwang kinakain ng mga batang Pinoy. Sa pagkain din nito dala ang masayang alaala noong ating kabataan dahil may iba’t ibang paraan tayo kung paano natin itong kinukuha na ang iba ay sinusungkit pa o mismong inaakyat ang puno makuha lamang ang mga bunga nito.

CHICO

Chico-2Isa ang prutas na ito na sarap na sarap ang marami dahil sa tamis nito habang ang iba ay hindi gaanong gusto dahil mabuhangin daw para sa kanila. May iba rin na pati ang balat nito ay kinakain habang ang iba ay ayaw talaga. May biro rin na ang amoy ng chico ay tila amoy ng lasing, isang bagay na tumatatak sa uri ng prutas na ito.

Ang prutas na ito ay mayaman din sa vitamins A at B.

SANTOL

Magkahalo at balanseng tamis at asim ang malalasahan sa santol na ginagawang dessert o pampagana. Hinahalo ito sa asin na may sili, asin na may asukal o mismong isasawsaw sa bagoong. May iba rin sa atin na kinakain ito bilang ulam lalo na kung ginawang ginataang santol, burong santol o atsara. Masarap itong isabay sa mainit na kanin – pananghalian man o hapunan.

DURIAN

DurianMaraming may ayaw at marami rin namang gustung-gusto ang prutas na ito. Ito ang isa sa pinakapopular sa Pilipinas. Ayaw ng marami nito dahil sa kakaibang amoy o sobrang mabaho pero kapag nalasahan o nakain naman ay langit sa sarap ang hatid. Pinakapopular ito na matatagpuan din sa Katimugang bahagi ng Mindanao. May kahirapan ding ibiyahe ito dahil sa hindi magandang amoy. Hindi kasi ito welcome sa mga public transportation. Katunayan, binabawal talaga ito sa pagbiyahe sa Japan, Hong Kong at Thailand. Maging sa Singapore ay bina-ban ito. Ang magkamali ng bitbit ay may karampatang multa at ang multa ay hindi biro.

Ilan din naman ang nakaaalam na ang durian ay tinatawag na superfruit dahil mayaman ito sa iron, vitamin C at potassium. Napagaganda rin nito ang galaw ng ating muscles, mabuti ito sa kalusugan ng ating balat at tulong sa pagpapababa sa blood pressure. Mayaman din ito sa dietary fiber.

Sa pagiging popular, maraming farms ang may tanim na durian. At alam n’yo rin ba na may 30 klase nito?

BALIMBING

Star fruitStar fruit ito kung tawagin sa Ingles. Kung mahilig ka sa maasim ay magugustuhan mo ang prutas na ito habang isinasawsaw sa asin o sukang may asin. Pero may mga balimbing din na matamis ang uri nito na pwede pa rin ipares sa asin.

ATIS

Sugar apple o sugarsop kung tawagin naman ito sa Ingles. Para-paraan din ito kung kainin. Ang iba ay matapos na mahugasan ay hahatiin na ito, kakagatin at bibig na lamang ang maghihiwalay sa mga buto nito para mailuwa. Samantala ang iba ay kinukutsara pa ito sabay isusubo.

RAMBUTAN

Rambutan-2Isa rin itong masarap na prutas na kinakain ng mga Pinoy. Ang itsura nito ay hawig sa sea urchin (salungo) na maraming patusok. Masarap ang rambutan at nakaaaliw ding buksan bago kainin ang loob nito. Itinuturing exotic food ito ng Southeast Asia.

LANZONES

Bantog na bantog din ang prutas na ito at pinakamasarap pagkunan mula sa Paete, Laguna o kaya sa Camiguin. Sinasabing ang prutas na ito ay mayaman sa vitamin A.

MANGGA

Manggang KalabawKung mangga rin naman ang pag-uusapan ay marami tayong uri niyan at siyempre marami rin tayong pagpipilian. Ang ilan sa mga pinakapopular ay ang manggang kalabaw at Indian mango.

Ang manggang kalabaw ay masarap kainin nang hilaw at kadalasan ding isinasama o nilalahok sa pagluluto ng isdang paksiw. At siyempre pa, mas masarap ito kung hinog lalo kung mapintog na mapintog dahil ang sarap nito ay talagang masusulit mo.

BAYABAS

bayabasAng bayabas ay tinatawag na tropical fruit. Isa rin ang prutas na ito na mayaman sa vitamin C, antioxidants at potassium. Nakapagpapababa rin ito ng blood pressure.

Ang prutas na ito ay karaniwang isinasaw din sa asin o bagoong kaya masarap kainin kahit pa ito ay hinog.

1005

Related posts

Leave a Comment