Sa pagbabalik matapos matigil dahil sa pandemya 48TH SAGAYLAHAN NG BRGY. STA. ELENA LALO PANG SUMIGLA

Matapos matigil ng apat na taon dahil sa naranasang pandemya ng COVID19 ay lalo pang dumami ang mga nakiisa sa ‘48th SAGAYLAHAN’ ng Brgy. Sta. Elena, Marikina City noong nakaraang Mayo 4, 2024.

Nagsimula ang okasyon sa PART 1, dakong alas- 6:30 hanggang alas-7 ng gabi sa REGISTRATION & PRESENTATION TO JUDGES; alas-7:01 hanggang alas-8 ng gabi Presentation and Judging ng 60 Participating SAGAYLAS; Part II, PARADE AROUND STA. ELENA, dakong alas-8:01 hanggang 10 ng gabi sa Parade of SAGAYLAS; Part III, PALARUANG BATANG LAMBAK INGRESS, dakong alas-10-01 hanggang alas-10:20 ng gabi sa A. Entry of SAGAYLAS, B. Introduction of 16 Mutya (16 barriors), C. Introduction of C.1 – Muse of Batang Lambak, C. 2 – Reyna Elena, C. 3 Emperatriz, C. 4 – 48th SAGAYLAHAN Reyna Emperatriz; Part IV – ENTERTAINMENT, dakong alas-10:21 hanggang 10:30 ng gabi – Special Presentations/Snacks; Part V – AWARDING, dakong alas-10:31 ng gabi – Onwards, A. Welcome Remarks – Sta. Elena Barangay Captain Enard Bernardo; B. Inspirational Message – Hon. Mayor Marcy Teodoro, C. Presentation of Winners, C. 1 – Early Bird Award – P2,000, C. 2 – Darling of the Crowd – P5,000, D. Best in Gown Award, D.1 – 3rd Place – P3,000, D. 2 – 2nd Place – P5,000, D. 3 – 1st Place – P7,000, E. Special Award Best

Mutya Arko, F. Closing Remarks – “Mr. Ponchie Santos” Head ng Marikina Tourism, G. Best SAGAYLAS Award, G. 1 – 3rd Place – P3,000, G. 2 – 2nd Place – P5,000, at G.3 – 1st Place – P7,000.

Architect Ramon Mendoza

Ginny Pioquinto

Hon. Maan Teodoro 1st District Rep. Marikina City

Hon. Marcy Teodoro Marikina City Mayor

Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Architect Ramon Mendoza, namuno sa 48th SAGAYLAHAN, noong 2019 ay pansamantalang natigil ang kanilang aktibidad dahil sa pandemic dulot ng Covid19. At ngayong taon sa pagbabalik muli ng 48th SAGAYLAHAN ang lahat ng mga taga Marikina ay nasabik at natuwa. Pinakaaabangan nila ang lahat ng mga magsisipaglahok at mananalo sa awarding.

Ang okasyon ay dinaluhan ng mga kalahok hindi lamang ng mga taga-Marikina kundi maging mula sa ibat-ibang lugar ng bansa.

Sinabi pa ni Arch. Mendoza na sinimulan ang SAGAYLAHAN noong 1972 pa sa pangunguna ng kanyang kapatid na dating Chairman ng Brgy. Sta. Elena na si Celso Mendoza, Sr.

Ang pista ng Brgy. Sta. Elena ay nagsisimula tuwing Mayo 1, 2, 3 at pagdating ng 4 ay ginaganap ang 48th SAGAYLAHAN na lagging nagbibigay ng kasiyahan sa mga taga-Marikina.

Ayon naman din kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro isinasagawa ang SAGAYLAHAN sa tuwing ika-4 ng Mayo pagkatapos ng Kapistahan ng Brgy. Sta. Elena na nagsimula pa noong 1972.

Sinabi pa niya na kakaiba ang SAGAYLAHAN sapagkat dinadaluhan ito ng mga miyembro ng LGBTQ plus na kung saan ipinakikita ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga tao.

“Hindi pinagtatawanan, hindi kinukutya, dapat nirerespeto. Hindi lamang mga taga-Marikina ang lumalahok sa SAGAYLAHAN kundi galing pa sa ibat-ibang lugar tulad ng Cavite, Batangas at Navotas, “ banggit pa niya.

“Ibat-ibang tao, ibat-ibang paniniwala, nagkakasama-sama, nagkakaisa para ipahayag ang pagkakapantay-pantay, hindi natin hinuhusgahan ang pagkakaiba, maraming kulay pag nagsama-sama ang maraming kulay ay nagiging maganda ang kinalalabasan,” pahayag pa ni Mayor Marcy.

Binanggit pa niya na lahat kasama, masaya lahat, malaya, buong Marikina nakiisa maging ang buong NCR tinanggap ang SAGAYLAHAN.

“Ibat-ibang bayan, wala tayong pinipili, walang katergorya, open para sa lahat ang SAGAYLAHAN na nagsimula pa noong 1972,” dagdag pa ng alkalde.

“Maraming salamat po sa mga taga-Marikina, ika nga ni Mayor Marcy dahil lahat kasama, lahat masaya, makulay at malaya,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Mayor Marcy Teodoro ang pamilyang Santos sa pangunguna nang namayapang ama na si Tony Bolok Santos na tinaguriang Manager ng mga Manager sa mga naiambag nito sa mga taga-Marikina, Arch. Mendoza, Roan Santos at Ginny Pioquinto (anak at apo ni Tony Santos).

Tiniyak din ni Mayor Teodoro na protektado ang mga miyembro ng LGBTQ plus dahil may ordinansa silang (anti-discrimination ordinance) na kasaluyung umiiral sa kanilang siyudad. Ang pagbibigay ng pantay at parehong karapatan sa trabaho, edukasyon, tirahan at mga serbisyo ng pamahalaang Marikina.

Maging sa mga pasilidad tulad ng mga paliguran ay mayroon din ang mga miyembro ng LGBTQ plus.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Ginny Pioquinto, Presidente ng Marikina JCI kay Mayor Marcy Teodoro at Marikina City 1st District Rep. Maan Teodoro dahil sa kanilang suporta ay lalo pang lumaki ang isinagawang 48th SAGAYLAHAN.

Ayon kay Pioquinto 60 participants at 16 kinatawan ng bawat barangay ng Marikina City ang nakilahok sa nasabing okasyon na nagbigay ng kasiyahan sa mga manonood.

Dahil dito, naniniwala si Pioquinto sa mga susunod pang mga taon ay lalo pang lalawak at dadami ang mga makikilahok sa kanilang matagumpay na SAGAYLAHAN.

(Joel O. Amongo)

54

Related posts

Leave a Comment