MALAKING parte sa ating kabataan ang pag-aaral. At bilang isang estudyante ay kailangan nating mag-aral nang mabuti para tumaas ang ating grades, ma¬ging scholar at mahilera sa mga honor student.
Hindi lang ito para sa ating sarili kundi konsuwelo na rin sa ¬ating mga magulang na nagtutustos ng ating tuition at baon.
Ano ba ang dapat nating gawin para tumaas ang marka natin sa report card o GWA (Gene-ral Weighted Average)?
Unang-una siyempre, dapat ay always present. ‘Wag mag-i-skip o cutting classes. Iwasang mag-short cut o pumasok nang late.
COMPLY. Maging active at cooperative. Ibigay natin lahat ng hinihingi ng teacher or prof. Gawin ang homework, projects, reaction papers, theses, etc.
Magkaroon ng mabuting study habits. Cool at easy lang kahit gaano pa ka-boring ang subject or ka-terror ng teacher. Makinig at mag-take notes lalo na kung math para makapag-recite.
FOCUS. ‘Pag nag-aaral, alisin o ilayo ang lahat ng nakakaabala gaya ng cellphone, laptop at TV.
Alagaan ang katawan. Maging neat. Kumain, matulog nang sapat at tiyaking ‘di puyat o gutom ‘pag papasok sa campus.
EAT HEALTHY. Mas mainam na pagkain mas maganda. Kailangang kumain ng masusustansyang mga pagkain lalo na sa gulay, prutas at mga isda.
Higit sa lahat, ‘wag nating kakaligtaang magdasal, hingin ang gabay at laging magpasa¬lamat sa Maykapal.
600