YUMMY FOOD NA NATATANGI SA METRO MANILA

YUMMY PICKS

Ang mga simpleng mga pagkain ay kayang pasarapin ng mga malikhaing Pinoy na mahilig mismong kumain kung kaya’t nahuhuli nila ang sarap na papatok sa ating mga kababayan at sa iba pang mga lahi.

Mula sa pagtuklas natin sa mga pagkaing kinagisnan na ng ating lahi ay naipapasa ito at talagang naipamamana ang tunay na lasa kaya naman sa paglipas pa ng panahon ay mas sumasarap ito dahil sa walang tigil din nating pag-aaral sa ikasisigla pa ng bawat putahe.

Yummy picks-2Kaugnay nito, sa inisyatiba at mismong proyekto ng Department of Tourism (DOT) ay inilunsad nila ang Metro Yummy Picks, ang magazine na magiging gabay ng food lovers. Tampok dito ang mga popular o iconic na pagkain at restaurants na matatagpuan sa 16 na lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila.

Ang pasinayang ito na tinawag ding “A Culinary Tourism Program of Metro Manila” ay ginanap ng tanghali noong Disyembre 12 sa Activity Center ng Glorietta 2 sa Makati City. Ito ay sa pakikipagtulungan din ng Ayala Malls.

Sa laking 1,000 sqm. space ng naturang area ay nasaksihan ng mga dumalo maging ng mall-goers ang presentasyon ng ilang mga nilalaman ng Metro Yummy Picks sa LED screen ng naturang sikat na mall.

25 PAGKAING PINOY NA LASAP NA LASAP

Sa okasyon ay inihain ang 25 mga pagkaing pinagsaluhan ng mga nagsipagdalo.

Kabilang sa mga inihain ay ang mga sumusunod:

Yummy 2– Pateros Native Chips

– Lumpiang Binondo

– Kikiam

– Battered Quail Eggs (Kwek kwek)

– Lugaw Tejeros

– Empanadas De Valenzuela

– Caldereta (Itik – Balut)

– Tokwa’t Baboy

– Baby Crispy Pata

– Lechon

– Pancit Malabon

– Putong Polo (Dinuguan Terrine)

– Grilled Pan De Sal

– Pennette with Artisanal Dulong In Olive Oil

– Burong Mangga (Powdered Bagoong)

– Suman ng Munti (Ube, Langka, Champorado, Pineapple)

– Tipas Hopia (Mango, Ube, Pork)

– Turones De Mani

– Mini Bibingka Galapong & Puto Bumbong

– Sapin-Sapain

– Cassava Cake

– Caramel Cake

– Mango Bravo Cake

Yummy 5Bagama’t maaaring ordinaryong uri ng pagkain ay kakaiba naman ang lasa nito na sadyang pinagbuti upang mas umangat ang sarap.

Ang 25 pagkaing ito ay sa kagandahang loob din ng suppliers ng DOT na kinabibilangan ng Armie’s Turones De Mani; Adelina’s Ham; Suman ng Munti, Malou Enriquez’s Best; Juanito’s Powdered Bagoong; Estrel’s Caramel Cakes; Mang Delfin’s Putong Polo, Valenzuela City; Conti’s Bakeshop and Restaurant; Tipas Hopia; Islas Pinas by Margarita Fores; at Milky Way Café.

Dahil dito, hindi lamang binusog ng DOT ang mga mata ng manonood sa kanilang mga nakita, bagkus ay sadyang natikman nila ang iba’t ibang sarap ng mga pagkaing inihanda sa mga nagsidalo.

Naririto rin ang pakikiisa ng iba’t ibang food exhibitors mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

“Be part of the flavors,” ang nakaeengganyong paanyaya ng Metro Yummy Picks sa lahat kung saan kaugnay pa nito ay ipinakikilala rin sa publiko na mayroon itong application software.

Sa pasinaya ng proyekto ay dinaluhan din ito ng mga opisyal ng DOT sa pangunguna nina DOT-NCR Regional Director Woodrow Maquiling; Dir. Lara Estevez; Usec Edwin Enrile; Dir. Rowena Montecillo; at Dir. Jeff Ortega. Narito rin ang pagdalo at pagsuporta ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon.

APP PARA SA LAHAT

Sa pakiisa rin ng Explora.ph, ang Metro Yummy Picks ay nasa ilalim ng My Metro Manila App na magiging gabay pa ng food lovers na tunay na magiging easy acces dahil ang impormasyong makukuha rito ay credible.

Ang application software na ito ay available na sa Google Play Store at Apple App Store

Yummy-4Tampok dito ang best features ng Metro Manila mula sa iba’t ibang pagkain, inumin, kuwento, at mga natatanging sekreto na may kaugnayan sa ating kultura partikular sa ating turismo.

Ang pagsulong sa naturang proyekto ay bunga rin ng pag-aaral kung saan nasa tala ng 2018 Philippine Tourism Satellite Accounts na ang mga pagkain at inuming Pinoy ay lumilikha ng 28.8 porsyento ng kabuuang expenditure ng mga turista sa bansa. Magtataka pa ba tayo kung sadyang food lovers ang mga Pinoy?

Sa pagsulong pa sa food tourism ng bansa, ang 10,000 kopya ng Metro Yummy Picks magazine ay ikakalat sa buong kapuluan. Partikular na ibabahagi ito sa airports, seasports, malls at iba pa. Ito rin kasi ang magiging susi upang mas kilalanin pa ang ating mga pagkain at makapag-anyaya pa sa iba upang makalikha rin ng trabaho sa hinaharap. (ANN ESTERNON)

420

Related posts

Leave a Comment