SPECIAL RETIREES RESIDENCE VISA SUSPENDIDO

SINUSPINDE ng Philippine Retirement Agency (PRA), isang attached agency ng Department of Tourism (DOT), ang pagpoproseso at pag-iisyu ng Special Retirees Residence Visa (SRRV).

Nauna rito, inatasan ng Board of Trustees ang PRA na i-review o suriin ang mga polisiya o patakaran nito sa minimum age at dollar deposit requirements, at ang pag-convert ng mga depositong ito na pinapayagang maging investments o pamumuhunan.

Alinsunod sa kasalukuyang patakaran na ipinatutupad simula pa noong 1993, pinapayagan at tinatanggap ng PRA ang retirees na hindi bababa sa 35 taong gulang.

Sa naunang direktiba ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat, PRA Board Chairperson, ang ahensya ay magpapatupad ng isang programa upang regular na subaybayan ang ‘profile’ at mga aktibidad ng mga active SRRV holders sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Bureau of Immigration (BI), Department of Justice (DOJ), at

Department of Labor and Employment (DOLE).

Inatasan din ang PRA na makipagtulungan sa Tourism Promotions Board (TPB) para sa ‘formulation’ at pagrerepaso ng marketing and product development plans ng PRA, at ang benchmarking ng retirement program sa ibang mga bansa.

Sinang-ayon ng board na muling magpulong sa susunod na buwan (Nobyembre 6, 2020) upang talakayin ang mga kagyat na reporma sa nasabing patakaran. (DAVE MEDINA)

175

Related posts

Leave a Comment