15th AFF WOMEN’S CHAMPIONSHIP FILIPINAS KAKAPIT SA LIDERATO

WALA sa plano ng ­Philippine women’s football team na bumitaw sa liderato ngayong gabi kontra Malaysia sa ginaganap na 15th Asean Football Federation ­Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium.

Huling hinagupit ng World Cup bound Filipinas ang Singapore, Miyerkoles sa dominanteng 7-0 panalo para agawin ang liderato sa Group A ng torneo.

Giniyahan ni Team captain Tahnai Lauren Aniss ang Pinay booters sa ika­lawang sunod na pa­nalo, matapos ma-upset ang no.12 world ranked Australia (1-0) noong Lunes.

Umiskor si Aniss sa ika-10 minuto mula sa goal ng Singaporean na si Beatrice Tan bago ang mahaba at palobong header sa ika-19 para sa naturang panalo.

Nagawa pa ni Aniss ma-set-up sa cross pass si Sarina Bolden, umiskor ng game-winner laban sa Australia, sa isa pang header sa ika-38 minuto at nasundan ng isa pa ni Kaya Hawkinson sa ika-11 minuto sa laro.

Nauna rito, binuksan ng teenager na si Isabella ­Flanigan ang scoring floodgates para sa Filipinas sa ika-8 minuto matapos lampasan ang dalawang Singaporean defenders.

Nag-ambag din ng puntos si Sara Eggsevik sa ika-56 minuto at si Anicka Castañeda na mula sa bench ay umiskor sa second half sa ika-69 minuto.

59

Related posts

Leave a Comment