PANGALAN NG NAIA, PINAPAPALITAN NI CONG. ARNIE TEVES

IBA’T IBANG reaksyon sa social media ang lumutang dulot ng panukala ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na layong palitan ang pangalan ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport.

May mga pumuri pero may mga bumatikos din.

Sabi ng ilang netizens, mas maiging pagtuunan daw ng pansin ng mga mambabatas ang patong-patong na problema ng bansa.

Mahalaga raw ang COVID-19 response, pagpapabuti sa ekonomiya, at marami pang iba.
May mga tumawag pa nga sa kanya na “sipsip” kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Sa palagay ko naman, wala namang ­masamang layunin si Teves sa house resolution na iyon.

Hindi rin siya dapat banatan dahil dito.

Hindi naman kasi magkaalyado ang dalawa.

Sabi nga ni Cong. Arnie, aba’y hindi pulitika ang motibo sa paghahain niya ng resolusyon para mapalitan ang pangalan ng NAIA at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport.

Kaya nagpatutsada si Teves sa EDSA Revolution at sa administrasyong Aquino.

Well, sabi nga ng kongresista, nais lang daw niyang mabigyan ng kredito si dating Pangulong Marcos Sr. sa pagpapaganda ng paliparan.

Tama nga naman ang mama.

Napagtanto raw nila na wala na raw bisa ang EDSA People Power I sa pagkapanalo ni PBBM sa eleksiyon.

Gusto lamang daw niyang ipa-realize sa mga Pilipino kung gaano kagaling na pangulo si dating Pangulong Makoy.

Kung matatandaan, noong 1987, sa pama­magitan ng Republic Act No. 6639, napalitan ang pangalan ng Manila International Airport (MIA) at naging Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang masaklap, sabi ni Teves, nangyari daw iyon kahit walang executive approval sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Iyon ay bilang pag-alala raw sa pagkakabaril kay dating Sen. Ninoy Aquino sa nasabing ­paliparan.

Naku, hindi dapat lagyan ng political color ang panukalang iyon ni Teves.

Mahusay ang mama at talagang may track record sila, kasama ang utol niyang si Negros ­Oriental Governor Pryde Henry Teves.

Walang perpektong liderato pero kilala ko ang mga Teves bilang mahuhusay na public servants sa kanilang lalawigan.

Sabi nga, “give credit where credit’s due!”

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

97

Related posts

Leave a Comment