$16M IN-AWARD KAY VANESSA BRYANT

ISANG araw matapos ang dapat sana’y ika-44 kaarawan ni NBA great Kobe Bryant, ipinagkaloob ng jury kay Vanessa ang $16 million matapos magwagi sa civil case, Miyerkules ­(Huwebes sa Manila).

Pinagkalooban naman ng jury ng $15 million si Chris Chester, isang financial adviser na ang asawa at anak na babae ay kasama ni Kobe at Gianna Bryant at limang iba pa sa helicopter crash noong Enero 2020.

Idinemanda ni (Vanessa) ­Bryant at Chester ang Los ­Angeles County bunga ng mga graphic ­photos sa crash site.

Ang sheriff’s deputies at firefighters na naunang rumesponde sa pinangyarihan ng aksidente ay kumuha ng larawan ng mga biktima, kabilang ang Los Angeles ­Lakers legend at 13-anyos nitong anak.

Tumagal ng 11 araw ang nabanggit na civil trial sa Los Angeles, kung saan dininig na ang mga naunang rumesponde ay ipinakita ang mga larawan sa publiko, ­kabilang ang isang bartender, habang ipinadala via text ng isang deputy sa kanyang kaibigan habang naglalaro sila ng video games.

Depensa naman ng Los ­Angeles County, hindi lumabas sa publiko ang mga larawan at naging maingat din umano ang mga opisyal upang burahin ito.

Gayunpaman, pinakinggan ng jury sina Vanessa at Chester, na dumanas ng emotional damage sa takot na biglang maglabasan sa publiko o sa internet ang mga larawan.

Hiniling sana ng abogado ni Chester na ang compensation na $40 million para kay Bryant at $38 million kay Chester, base aniya sa ‘life expectancies’ ng dalawang biktima.

“We’re here because of intentional conduct — the county ­violated Mrs. Bryant and Mr. Chester’s ­constitutional rights,” depensa ni Craig Lavoie, abogado ni Vanessa.

Matapos ang apat at ­kalahating oras ng deliberations, nagkasundo ang jurors sa resulta ng kaso.

Noong nakaraang taon, ang kamag-anak ng ibang biktima ay pinagkalooban ng $2.5 million compensation hinggil sa isyu ng photo-taking.

Si Bryant ay kinilalang isa sa ‘greatest basketball players’ sa mundo. Siya ang naging mukha ng sport sa kanyang makulay na dalawang dekada sa Los Angeles Lakers. Limang beses naging NBA champion mula nang mapasok sa liga noong 1996 diretso mula sa pagiging high school ­student at ­nagretiro noong 2016.

PINAGDIWANG
HATOL NG KORTE

MASAYANG ipinagdiwang ni Vanessa ang naging hatol sa kaso, kung saan eksakto sa Kobe ­Bryant Day (8/24) sa Los Angeles.

Ang 8/24 ay numero ng ­kanyang jersey.

Sa pamamagitan ng Instagram account, ipinost ni Vanessa ang:

“All for you! I love you!” May kasama itong larawan nilang tatlo. “JUSTICE for Kobe and Gigi! 8•24•22”.

At may dagdag pang hashtags: #Betonyourself and #MambaDay.

Noong Martes, binati ni Vanessa ang namayapang asawa sa kaarawan nito via Instagram:

“Happy birthday, baby! I love you and miss you so much!”

Maging ang panganay na anak na si Natalia (19) ay bumati rin: “Happy Birthday Daddy!” (VT ROMANO)

103

Related posts

Leave a Comment