2 PINOY BAKBAKAN SA VACANT IBF CROWN

(N VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports  Editor)

KAPWA tumimbang ng 105 pounds, handang-handa na sina  na magbakbakan para sa bakanteng International Boxing Fedeation (IBF) minimum weight crown sa Jurado Hall sa loob ng

Philippine Marine Corps Base sa Fort Bonifacio, Taguig ngayong gabi.

Libre sa publiko ang slugfest na ipiprisinta ng Manny Pacquiao’s MP Promotions, kung saan itatampok sa unang pagkakataon sa halos 100 taon, na dalawang Pinoy ang magsasagupa sa world title fight na gaganapin sa bansa.

Ang huling Filipino boxers na naglaban sa world fight sa lupain ng Pilipinas, ay tinampukan nina flyweight king Pancho Villa at Clever Sencio noong 1925 sa Wallace Field (Luneta na ngayon).

Itataya ni Salva ang kanyang 17-0 karta, laban kay Taduran (13-2) sa sagupaan kung saan ang mananalo ay magbibigay ng panibagong world crown sa Pilipinas.

Mismong si IBF president Daryl Peoples at Rating Committee chief Anibal Miramontes ang personal na sasaksi sa Salva-Taduran clash.

Sasamahan nila ni Sen. Manny Pacquiao sa ringside, kasama si international matchmaker Sean Gibbons, CEO ng MP Promotions at world champion Jerwin Ancajas.

 

 

253

Related posts

Leave a Comment