2022 AFF Women’s Championships WAWALISIN NG FILIPINAS

Ni ANN ENCARNACION

MANATILING imakulada ang target ng Philippine women’s football team sa huling laro sa eliminasyon ng 2022 AFF ­Women’s Championships ngayong gabi.

Inaasahang muling sasandal kina team captain Tahnnai Lauren Annis, Sarina Isabel Bolden at Quinley Mirielle Quezada ang Filipinas sa kanilang pagsipa kontra Thailand sa Rizal Memorial Coliseum.

Kagagaling lang sa 4-1 pa­nalo ng Pinay booters kontra Indonesia Linggo ng gabi na nagkaloob sa kanila ng 4-0 record para sa solo liderato sa Group A bitbit ang kabuuang 12 puntos at silya sa crossover semifinals.

Tinalo na ng Filipinas, 1-0, ang Thailand sa Group stage ng AFC Women’s Asian Cup sa India noong Pebrero upang umusad sa semifinals at makamit ang makasaysayang pagkakataon na umabante sa FIFA Women’s World Cup sa 2023.

Sa kabila nito, nagbabala si national team coach Alen Stajcic na hindi magiging madali ang pakikipagharap muli ng Filipinas sa apat na beses nang nagkampeon na Thais, may total 10 points matapos talunin ang Malaysia 4-0, dalawang araw na ang nakalilipas.

Samantala, aminado si ­Bolden, may 14 goals sa 22 games ng Filipinas, malaking ­paktor ang home game sa magandang laro niya.

“Scoring a hat trick at home for the national team is pretty special. I fed off the energy of the fans. I take great pride in it. But I couldn’t do it alone but because of the balls that were given to me.”

Muli naman maglalaro kontra Thailand ang nagpahingang Filipinas goalkeeper na si Olivia McDaniel.

73

Related posts

Leave a Comment