LOTILLA ITINALAGANG ENERGY SECRETARY

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Raphael Perpetuo Lotilla bilang bagong Kalihim ng Department of Energy.

Matatandaang itinalaga na rin siyang Secretary of Energy sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, mula 2005-2007.

Bago pa ito, siya ay naging Pangulo ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

Siya rin ay naging Deputy Director General ng National Economic Development Authority (NEDA).

Isa rin siyang propesor sa University of the Philippines kung saan siya nagtapos ng kanyang Bachelor of Laws.

Nakamit niya ang kanyang Masters of Laws mula University of Michigan Law School sa Ann Arbor, Michigan. (CHRISTIAN DALE)

53

Related posts

Leave a Comment