2022 FIBA Asia Cup ABANDO SAMA SA GILAS

TULOY na ang pagsabak ni Rhenz Abando sa Gilas Pilipinas makaraang makakuha ng ­approval mula sa FIBA bilang kapalit ng ­injured na si Dwight Ramos.

Nagsimula Hulyo 12, magpapatuloy hanggang 24 ang FIBA Asia Cup sa Istora Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Kinumpirma ni team manager Butch Antonio ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), binigyan ng ‘go signal’ ng FIBA si Abando na mapasama sa 12-man Philippine squad.

Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Lebanon ganap na alas-9 Miyerkoles ng gabi.

Ang Gilas ay kinabibilangan din ng magkapatid na Thirdy at Kiefer Ravena, Poy Erram, Bobby Ray Parks, SJ Belangel, Carl Tamayo, William Navarro, Lebron Lopez, Geo Chiu, Kevin Quiambao at RJ Abarrientos.

Kasama rin ng national team ang 6-foot-2 na si Abando sa ikatlong window ng 2023 FIBA World Cup qualifiers kung saan nag-average siya ng 6.5 puntos sa mga laro kontra New Zealand at India.

Babalik din sa Gilas bilang head coach si Chot Reyes. (ANN ENCARNACION)

77

Related posts

Leave a Comment