2022 PBA Commissioner’s Cup Finals KORONA IUUWI NG GINEBRA

TATAPUSIN na ng Barangay Ginebra ang 2022-23 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven finals kontra Bay Area ngayon (Miyerkoles) sa Mall of Asia Arena.

Hawak ng Gin Kings ang 3-2 bentahe ngayong Game 6 sa alas-5:45 ng hapon at isang panalo na lang ang kailangan upang makuha ang ­kampeonato.

Hindi siguradong makalalaro sa Ginebra si team captain LA Tenorio sanhi ng groin injury na natamo sa first half ng laro noong Linggo, ngunit inaasahang makagagawa ng adjustments si coach Tim Cone upang tapusin na ang guest team.

“We need to be ready and must make the best adjustment possible,” ani Cone matapos ang 101-91 victory sa Game 5.

Maliban kay Tenorio, ­sinandigan ng Kings sa ­naturang panalo sina Best Import Justin Brownlee at Best Player of the Conference Scottie Thompson. Ngunit naging ‘secret weapon’ ng team si Stanley Pringle upang ­tuluyang biguin ang Dragons.

Sa panig ng Bay Area, ­kwestyonable pa rin ang kanilang import nito na si Andrew ­Nicholson na na-injure noong Game 3, kaya inaasahang ­mag-i-step up sina Hayden Blankley at Kobey Lamb para sa Dragons. (ANN ENCARNACION)

20

Related posts

Leave a Comment