2022 PBA Commissioner’s Cup GINEBRA-BAY AREA SA FINALS?

Ni ANN ENCARNACION

ISANG panalo na lang ang kailangan ng crowd-favorite Barangay Ginebra at bisitang Bay Area upang kapwa makatuntong sa 2022 PBA Commissioner’s Cup Finals.

Parehong angat sa 2-1 ang kartada ng Gin Kings kontra Magnolia at Dragons kontra San Miguel, at kung magwawagi ngayong Miyerkoles ay dederetso na sa Commissioner’s Cup best-of-seven championship.

Maghaharap sa Game 4 sa Mall of Asia Arena ang Kings at Hotshots sa alas-3 ng hapon, habang alas-5:45 ang Beermen at Dragons.

Donomina ng Ginebra ang Magnolia, 103-80, noong Linggo upang makuha ang bentahe sa serye, habang nakaligtas ang SMB na mawalis ng Bay Area matapos ang pahirapang 98-96 win.

Naisalpak ni San Miguel’s Simon Enciso ang tres sa natitirang 10.1 segundo bago ito sinundan ni import Devon Scott para mapahaba ang best-of-five semifinals.

Gaya sa mga naunang games kontra guest team, binuhat ni six-time MVP June Mar Fajardo ang Beermen sa itinalang 21 puntos, 16 rebounds, 2 assists, 1 steal at 3 blocks. Nagsumite naman si Scott ng 25 puntos, 14 rebounds, 2 assists, 1 steal at 2 blocks, habang si Enciso ay may 16 puntos, 4 rebounds at 7 assists.

30

Related posts

Leave a Comment