400 SUNDALO LALAHOK SA 30TH SEA GAMES

(NI JESSE KABEL)

INIHATID nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Armed Forces chief of staff Gen. Noel Clement ang mahigit 400 sundalo na lalahok sa 30th Southeast Asian Games bilang mga atleta at tagapagbantay na rin sa seguridad.

Nabatid na 127 soldier-athletes at coaches ang kasama sa RP contingents na makikipagpaligsahan sa Filipino-hosted 30th SEA Games sa darating na  November 30 hanggang  December 11.

Pinangunahan ng  Armed Forces of the Philippines ang send-off ceremony kahapon para sa mahigit  400 soldier-athletes, coaches, emergency preparedness and response teams at  security personnels mula sa  military’s Regular at Reserve Forces.

Ayon kay Defense chief Delfin Lorenzana, ang naturang seremonya ay bilang suporta at pang-boost ng moral ng mga kalahok sa biennial meet.

“We have all been tirelessly working for this momentous event. We are able to lay down the joint operational guidelines for our troops who will be deployed. Similarly, our soldiers have relentlessly trainee for their various events. These are clear indications of our strong will and desire for a safe and successful  conduct of the Games,” sabi ni Gen. Clement.

Ilan sa magiging venues ng  30th SEA Games ang Clark, Pampanga, at Subic, Zambales at Metro Manila.

166

Related posts

Leave a Comment