Ni ANN ENCARNACION
MAHIRAP magsara ng serye.
Alam ito ng Meralco at Magnolia, parehong lamang ng isang game at kailangan na lang ng isa pa kontra Barangay Ginebra at NLEX (ayon sa pagkakasunod) para tuluyang makausad sa semifinals ng 47th PBA Philippine Cup.
Sa double-header ngayon (Biyernes) sa FilOil EcoOil Center, San Juan, pipilitin ng Bolts tapusin ang best-of-three series laban sa Gin Kings sa alas-3 ng hapon, at ganito rin ang pakay ng Hotshots kontra Road Warriors sa alas-6 ng gabi.
Nakuha ng Meralco ang unang panalo kontra Ginebra, 93-82, noong Linggo at alam ni Bolts acting head coach Luigi Trillo na hindi magiging madali ang dalawahan ang kalaban.
“They’ve beaten us every series,” sabi ni Trillo patungkol sa apat na beses na pagbigo sa kanila ng Gin Kings.
“This is just one game, we need one more game,” dagdag niya. “So as much as the guys played well you know what Ginebra’s about. They’re gonna come back hard.”
Aminado si Kings head coach Tim Cone, iba ang laro ng Bolts kapag sila ang kalaban. Katunayan, hindi niya matanggap na tinalo rin sila ng Meralco, 73-90, noong isang beses na nagkaharap sila sa elimination round ngayong buwan.
“Obviously they’re doing something that is causing us some problem so we have to try and figure that out,” wika ni Cone.
Hindi naman nababahala ang reigning league MVP na si Scottie Thompson sa kanilang one-game setback.
“I think it’s far from over,” ani Thompson, may bagong career-high 29 points at 10 rebounds sa Game 1 ng serye.
“The best way for us is to learn from that game and adjust in the next game.”
Samantala, inaasahang magiging mainit din ang Game 2 quarterfinals sa pagitan ng kapwa pisikal maglaro na Hotshots at Road Warriors.
99