6-STAG DERBY AARANGKADA SA JULY 14,18,28 AT 30 SA SANTA ROSA!

SABONG ON AIR NI KA REX CAYANONG

Magkukrus ang landas ng mga tigasing breeders at cockers sa 6-Stag Circuit Derby na ilalarga sa state-of-the-art na sabungan na Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna.

Sinasabing handog ito ng Santa Rosa Cockers Alliance (SRCA) kung saan karamihan sa mga kasapi ay sasali rito.

Sa Huwebes, July 14, ang simula ng pupugan sa Set A ng pa-derby ng SRCA.

Tinatayang 38 members ang lalahok dito.

Kung matatandaan, ang alyansa ay kabubuo pa lamang nina Dave Lao at Boy Royo.

Nagsisilbi namang adviser ng grupo si Richard Perez, may-ari ng mega cockpit.

Ang derby ay may pot money na P33,000 at minimum bet na P11,000.

Kaya naman, asahan na ang malulutong na paluan ng mga manok dahil malaking premyo nga ang nakataya sa events.

Kung hindi ako nagkakamali, magaganap ang inaabangang Set B sa July 18.

Sisipa naman sa July 28 ang Set C ng circuit derby.

Samantala, aarangkada ang Set D ng pa-derby ng SRCA sa July 30, taong kasalukuyan.

Nabatid na ang accepted weights ay 1700-2200.

WPC banded lang daw ang tinatanggap (early bird).

Mahalagang makapag-submit ng weights o timbang isang araw bago ang mismong bakbakan.

Para sa submission of weights at reservation of cock house, mangyaring kontakin si Boy Royo sa 09175450309.

Maraming salamat po at God bless!

160

Related posts

Leave a Comment