ABOGADO NI OBIENA HAHARAP SA PATAFA

0

HINDI na makikipag-usap si 2020 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” ­Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Sa halip, si Atty. Alex Avisado at ang Gana Tan Atienza Avisado Law Offices na ang gagawa nito para sa ’embattled’ athlete sa lahat ng “current and future investigations, including the filing of any possible and appropriate civil, criminal, and administrative actions” kaugnay sa mga paratang sa kanya ng national sports association (NSA).

Sina Jim Lafferty at Atty. Bobbet Bruce naman ang magiging official spokespersons ni Obiena na sasagot sa mga tanong at magbibigay ng pahayag kaugnay sa sitwasyon ng pole vaulter at kanyang NSA.

Si Obiena, 26, ay inaakusahang nagpalsipika ng kanyang liquidation documents at hindi pagbabayad sa kanyang coach na si Vitaly Petrov.

Pinabulaanan na ito ng world no. 5 at Asian record holder sa pole vault, maging ni Petrov na nagsabing binayaran na siya ni Obiena.

Para naman kay PATAFA president Philip Ella Juico, mas mabuti aniyang hintayin na lang na matapos ang ginagawang imbestigasyon ng kanilang ethics committee hinggil sa kaso.

Samantala, nakatakdang simulan ng Philippine Olympic Committee (POC) ethics committee ang isinampa namang reklamo ni Obiena laban sa PATAFA.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment