IBINUHOS ng Petron ang lahat ng husay at lakas nang ibulsa ang ikalawang sunod na All-Filipino title ng Philippine Superliga (PSL), Huwebes sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Nagbunga rin ang hirap ni veteran setter Rhea Dimaculangan nang tanghaling Most Valuable Player, kung saan umayuda siya ng 31 excellent sets para sa tatlong puntos ng Petron, tungo sa Game 3 win kontra F2 Logistics, 25-22, 26-24, 25-23.
Ito ang unang MVP trophy ni Dimaculangan sa PSL.
Buhat sa 1-2 play ni Dimaculangan, inilatag niya sa championship point ang Blaze Spikers, 24-22 sa final set para tapusin ang laban.
Samantala, si Cignal HD’s Rachel Anne Daguis ang waging 1st Best Outside Spiker, habang si Patty Orendain ng Generika-Ayala naman ang 2nd Best Outside Spiker.
Sina Ria Meneses (Generika-Ayala) at Majoy Baron (F2 Logistics) ang 1st at 2nd Best Middle Blockers.
Si Aiza Paizo-Pontillas, may 13 points sa Game 3 win ng Petron, ang Best Opposite Spiker at si Kim Fajardo ng F2 ang Best Setter.
Best Libero naman si Kath Arado ng Generika-Ayala at Best Scorer si Mylene Paat ng Cignal.
Tumapos na third placer ang Lifesavers. (VTROMANO)
290