MARCO GUMABAO: VIVA FILM’S MOST IMPORTANT MALE ACTOR FOR 2019

I SAYHindi makapaniwala si Marco Gumabao na tinagurian siyang Most Important Male Actor ng Viva Films in 201dahil sa kaliwa’t kanan niyang mga projects.

Sa katunayan, bago pa man siya napiling leading man ni Anne Curtis sa pelikulang Aurora (isa sa official entries para sa Metro Manila Film Festival 2018 na produced ng Viva Filmsat Aluid Entertainment) ay isa si Marco sa mga male stars and actors natin na nangangarap na makasama si Anne sa pelikua.

Malaki ang pasasalamat ni Marco sa bago niyang managent company dahil sa mga pagkakataon tulad ng project niya with Anne na isang sought-after leading lady sa pelikula ‘o sa telebisyon na kahit sinong lalaking artista won’t say no to an Anne Curtis project.

“Thankful ako sa Viva because they’re showing me na hindi ako nagkamali na lumipat sa kanila,” kuwento niya.

Sa pelikulang horror ni Direk Yam Laranas, Marco plays Anne’s boyfriend na isang mangingisda.

Sayang lang na sa darating na Sunday, December 23, ay hindi makakasama si Marco sa MMFF Parade of Stars dahil ang binata ay may importanteng  appointment on that day.

Naka-schedule si Marco na dalawin ang ama niya nasa piitan – ang dating aktor na si Dennis Roldan.

6

Related posts

Leave a Comment