INDEED, we can’t get enough of Miss Universe 2018 Catriona Gray! Newsmaker of the Month, kundi man Newsmaker of the Year, ang beauty titlist na ito at talaga namang hindi pa rin humuhupa ang so-called “Catrionic fever.” Patuloy pa ring bumabaha ang mga kuda sa world wide web tungkol sa kanya.
Due to limited time and space, ang dapat sanang 2,018 sets of post-pageant fast facts and opinions (Huwhat??? Two thousand and eighteen pageant facts??? Talaga lang, ha? Hahahaha!) ay ni-trim down ko na lang sa 18 (oo, chosen ang number 18 kasi masaya ang end rhyme nilang dalawa ni twenty-18)… further narrowed down to the “Final 10.”
Beaucon na beacon ang peg! Hahaha!
Wala nang patumpik-tumpik pa, eto na ang aking Top 10 post-pageant chika or fun facts tungkol kay Queen Catriona. In random order:
- WALANG PASOK. No-work day sa Young Focus International Foundation (YF) sa Tondo, Manila, sa araw ng laban ni Queen Cat na isa sa kanilang tagapagtaguyod. Pati na mga parlorista ay nag-day-off o umabsent sa work nang dahil kay Cat!
- PALAMUTI SA TENGA. Yung “Three Stars and the Sun” gold ear cuff na sinuot niya sa Miss U ay siya mismo ang nagdisenyo. How creative! (Or make your own, para cost-cutting! Charot!)
- TVCs. Bago pa man niya nasungkit ang Miss U crown, nakalabas na noon pa man si #MUning sa mga TV commercials: Century Tuna, Myra Vita White hand and body moisturizer, Granny Goose Tortillos, Smart Broadband, Pantene conditioner, Palmolive cleanser, and Sprite. Hindi rin siya masyadong in demand, noh? (N.B. Hashtag MUning, kasi Miss Universe yung MU, and muning is kitten o small cat, eh Cat naman talaga si Catriona! Anuba?!?!?! Hahaha).
- FIL-AUSSIE. Ang tatay pala niya ay si Ian Gray na isang Scottish-born Australian at si Normita Magnayon naman ang kanyang Pinay mom na tubong Oas, Albay. Bicol Express from the Land Down Under, ganern?
- “RATED X” ANG ‘PINAS. Naimbiyerna ang mga Pinoy sa pag-ekis ng editorial staff sa word na “Philippines” na pinalitan ng “Queensland” sa front page news ng The Courier Mail Australia na lumabas noong December 17. Ang siste, itinatatwa ng Australian publication na Philippines ang bayang pinagmulan ng newly-crowned Miss Universe 2018.
Ang resulta? Umaatikabong resbak o matinding bashing mula sa mga Pinoy fans na hindi kaylanman magpapatalo sa pang-iinsulto o “pang-aagaw” gaya nito!
- THAT STANDOUT GOWN. Ang Mayon Volcano-inspired red gown na sinuot ni Cat ay likha ng Kapampangan designer na si Mak Tumang from Mexico, Pampanga. Tarush sa pagka-fabulous!
- INVENTOR OF THE LAVA WALK. Being part of victorious Team Catriona, architect Carlos Buendia, Jr. is credited for Gray’s now-iconic “lava walk ” and “slow-mo swirl.” Iba ka, Caloy! Exclusive for ‘Pinas ka lang, ha. ‘Wag ka pumayag i-hire ng taga-‘labas’! (Ang selfish! Hahahaha!)
- MGA BFF NI “KIT CAT” SA MISS U. Reunion ang nangyari sa tatlong Miss World 2016 sisters — Miss Sweden Emma Strandberg, Miss Denmark Helena Heuser, and Miss Philippines Catriona Gray — dahil exactly silang tatlo rin ang isinabak ng kani-kanilang bansa sa Miss Universe 2018! Maliban sa dalawa, may isa pang BFF si Cat: si Miss Indonesia Sonia Fergina Citra na roommate niya during their two-week stay in Dusit Thani Hotel in Bangkok. Wow!!! Meeeeoowww!!!
- LITTLE MISS PHILIPPINES 1999. Batang paslit pa lang ay “rampadora” na si Cat as she joined the 1999 edition of Eat! Bulaga’s Little Miss Philippines pageant in Sydney, Australia. Born beauty queen pala talaga!
- DARAGANG MAGAYON. Pangatlo na si Catriona sa mga Pinay mula sa Bicol region o may Bicolano blood who represented the country in the Miss Universe in recent history. Miriam Quiambao of Cagraray Island, Bacacay, Albay, was first runner-up in 1999. Maria Venus Raj of Camarines Sur was 4th runner-up in 2010. Basta Bicolana, uragon!!!
BONUS ENTRY (parang “wild card” selection, or imagine may nag-tie, kaya may nadagdag sa finalists! Hahaha!)
- MISS U MEMES. Big deal sa mga Pinoy yung pagkapanalo ni Queen Catriona. Kaya naman dumagsa sa social media ang congratulatory messages — at super-kalokang memes! Nandiyan yung 1st Runner-up kay Cat si Ariana Grande (instead of the real Miss South Africa); hindi nag-Downy perfume yung ibang candidates kaya na-loss; mag-collab daw si Gloc 9 at Catriona para sa potential hit song na “Reyna ng Tondo”; at kay rami-rami pa! Andami ko talagang tawa! Mga 500! Hahaha!
LOVING IS SHARING, AND SHARING IS LAUGHING!
Eto yung tatlong link para mabusog kayo sa katatawa:
https://insideshowbiz.onemega.com/10-funniest-celebrity-miss-universe-2018-memes/
https://www.facebook.com/OfficialKaloka/posts/2197769803778666?hc_location=ufi
http://www.whereinbacolod.com/2018/12/funny-memes-of-miss-universe-2018.html
Ligwak (as in itsa-pwera) sa Top 10 Trivia na ito ang mga “nega” news bits dahil puro pampa-good vibes o feel-good items lang ang pinili ng inyong abang lingkod. As our very own Queen Cat said in the final Q & A portion of Miss U 2018: “We should teach people to be grateful so we could have an amazing world where negativity could not grow and foster, and children would have a smile on their faces.”
And I… will be back with more juicy tidbits!
202