ARELLANO WALA PANG TALO

ARELLANO UNIVERSITY VOLLEYBAL

WALA pa ring talo ang defending champion Arellano University matapos idagdag sa listahan ng biktima ang Colegio de San Juan de Letran, 25-13, 25-18, 25-15 sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament, Martes sa FilOil Flying V Center.

Si Princess Bello ay may 13 points, habang si Carla Donato naman ay may 12 hits para akayin ang Lady Chiefs sa 6-0 win-loss card.

Dalawang panalo na lang at swak na sa Final Four ang Arellano, at tatlo pa para maka-sweep patungo sa finals.

Umiskor naman sina Nicole Ebuen at Regine Arocha, last season’s Finals MVP, ng tig-8 points para sa Lady Chiefs.

Nalaglag naman ang Lady Knights sa 1-5.

Tinalo rin ng Arellano men’s team ang Knights, 25-13, 25-20, 25-15 para sa ikalimang panalo (at isang talo), para sa second place.

Nananatiling nasa tuktok ang defending champion University of Perpetual Help, 5-0.

Sa juniors division, tinalo ng Letran Squires ang Arellano, 25-23, 25-23, 23-25, 25-21.

Tangan ng Squires ang 4-2 win-loss record, katabla ang Arellano at Lyceum sa second place.

Ang reigning juniors champions Perpetual Help ay 5-0.

17

Related posts

Leave a Comment