F2 HUMIRIT NG GAME 3

F2 LOGISTICS

HUMIRIT ng Game Three ang F2 Logistics sa Philippine Superliga All-Filipino Conference title, nang talunin ang Petron, 21-25, 25-19, 25-20, 25-17 sa Game Two ng kanilang best-of-three finals series, Martes, sa MOA Arena.

Bukod sa panalo, binigo rin ng Cargo Movers ang Blaze Spikers na mawalis ang kumperensiya.

Matapos ang Game One loss, 23-25, 11-25, 17-25, bumawi ang F2 at naipuwersa ang rubber match sa Huwebes.

Nagtulong-tulong sina Ara Galang, Majoy Baron at Cha Cruz-Behag para pigilan ang Petron.

Nagsumite si Galang ng 20 points, may 14 si Baron at 13 naman kay Cruz-Behag, mula sa 25 digs at 15 excellent receptions, habang si Mich Morente ay nag-ambag ng 10.

“We were very emotional after the Game 1 loss,” lahad ni Cargo Movers coach Ramil de Jesus, kilalang ‘motivator and brilliant strategist.’ “So I told them that all their supporters wearing yellow in the crowd were counting on us. We want to win it for them.”

Dagdag pa niya:  “We were off in Game 1 like we didn’t know each other. In training, I told them, it could be over in Game 2, but if we want to bounce back, let’s bounce back. Fortunately, it worked.”

Ito ang unang talon g Petron sapul nang matalo sa F2 sa Game 2 ng Invitational Conference finals noong Hulyo 28.

Umiskor para sa Petron sina Frances Molina na may 17, kasama ang 19 digs, Aiza Maizo-Pontillas (11) at Bernadeth Pons, 10 points.

 

6

Related posts

Leave a Comment