ATENEO, LA SALLE SWIMMERS NAGTAMPISAW

LOS BANOS, LAGUNA – Nagparamdam agad ang reigning three-time champion Ateneo para dominahin ang Day 1 ng UAAP Season 82 Women’s Swimming Championships, Huwebes ng gabi sa Trace Aquatic Center dito.

Si last year’s Most Valuable Player Chloe Daos ang unang sumisid ng para sa Lady Eagles at inangkin ang dalawang ginto sa 100-meter at 800-meter freestyle events.

Kasunod nito, nakahablot pa ang Ateneo ng dalawang relay medals para makakulekta ng 101 points.

Tinalo ni Daos sina rookies Erin Castrillo ng UP at Nicole Pamintuan ng La Salle sa 100-meter sa tiyempong 59.54 seconds. Sina Castrillo at Pamintuan ay parehong may 1:00.35 clockings.

Sinundan ni Daos ang panalo sa 800 meters, kung saan nauna siya kina Nichole Evangelista ng La Salle at teammate Reagan Gavino.

Ang UP Lady Maroons ay nasa ikalawang pwesto sa hawak na 74 points, habang ang De La Salle tankers ay may 61 points.

Samantala, ang La Salle naman ay sumandal sa masterful performance ni SEA Games-bound Sacho Ilustre at iba pang pambato sa Day 1 naman ng men’s division.

Ang dating top rookie swimmer, na malakas ang hatak para sa Most Valuable Player plum, ay humablot ng ginto sa 100-m at 800-m freestyle events, para sa 77 points ng La Salle.

Nanaig si Ilustre (52.07) kontra kina Miguel Barlisan ng Ateneo (52.08) at Christian Anor ng UST (53.40) sa 100-m.

Nagtala naman si Ilustre ng 8:53.09 sa 800-m gold medal finish, laban kina Laniko Limfilipino ng Ateneo at Keane Ting ng UP.

Nasa likuran naman ng La Salle ang karibal at defending five-time champion Ateneo na may 73 points at pangatlo ang UP (60 points).

180

Related posts

Leave a Comment