MAYROON nang coach ang Gilas Pilipinas para sa first window ng qualifiers para 2021 Fiba Asia Cup.
Bagama’t wala pang pormal na pahayag ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), lumabas na sa offi-cial website ng Fiba ang pangalan ng bagong coach ng Gilas, si TNT active consultant Mark Dickel.
Ayon pa sa Fiba website, tatayong assistant coach niya si Sandy Arespacochaga, kasama si Serbian mentor Nenad Trunic.
Ang mga nabanggit ang hahawak sa Philippine team para sa first window ng qualifiers para sa 2021 Fiba Asia Cup.
Ang Aussie-Kiwi na si Dickel ang tumatayong coach ng KaTropa simula nang umalis si coach Nash Racela noong 2018.
Si Arespacochaga naman ang head coach ng Gilas Youth team, at assistant coach para sa seniors team maging sa TNT at Ateneo.
Habang si Trunic ay dating technical director, coordinator of coaching staff at manager ng training tech-nology para sa youth program ng Iran.
Nauna nang sinabi ni SBP president Al Panlilio na ang hahawak sa Gilas para sa February window, kon-tra Thailand (Feb. 20) at Indonesia (Feb. 23), ay interim basis o pansamantala lang habang naghahanap pa sila ng full-time coach para sa mga susunod na “series of games” sa November.
128