BLACK MAY BILIN SA MERALCO

Ni ANN ENCARNACION

“WE really have to pick things up moving forward.”

Ito ang sinabi sa kanyang players ni Meralco Bolts coach Norman Black bago umalis ­patungong Estados Unidos.

Nag-file ng emergency leave si Black noong nakaraang linggo upang alagaan ang inang maysakit. Pansamantalang papalit sa kanya si assistant coach Ronnie Magsanoc.

Ngunit bago lumipad pa-US, si Black pa ang nag-coach sa Bolts kontra Blackwater noong Huwebes. Wagi ang Bossing, 89-90, na labis na ikinadismaya ng ­dating PBA import.

“Whenever you lose, it’s a big concern because you’re going down within the standings. Now we’re 3-3,” babala ni Black sa kanyang players.

Kaya sisikapin ng Meralco na makabawi sa pakikipagharap sa Rain or Shine ngayon (Miyerkoles) 3pm, sa pagpapatuloy ng elimination round ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Limang sunod na talo ang Elasto Painters, ikalawa sa huling slot sa 1-5 win-loss record, kaya tiyak na lalaban din ito ng puk­pukan kontra Bolts.

Samantala, sa 6pm main game ay magsasalpukan naman ang wala pang panalong ­Terrafirma Dyip (0-6) at pumapangalawa sa team standings na Barangay Ginebra.

63

Related posts

Leave a Comment