CALOY YULO NAGKASYA SA PILAK AT TANSO

Ni ANN ENCARNACION

BIGO si Olympian Carlos Edriel “Caloy” Yulo madepensahan ang kanyang world title sa men’s vault sa FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England.

Nagkasya lang siya sa silver sa bagong pet event, habang nagbulsa ng bronze medal sa parallel bars.

Sa nakaraang taon na Gymnastics World Championships sa Kitakyushu, Japan ay nabingwit ng 22-year old Pinoy gymnast ang gold sa nasabing event.

Ngunit ngayong edisyon ay naagaw ni Artur Daytyan ng Armenia ang korona sa vault, habang napunta ang bronze kay Igor Radivilov ng Ukraine.

Pumangatlo naman si Yulo sa parallel bars, kung saan nanguna si three-time world champion Zou Jingyuan ng China at pumangalawa si Lukas Dauser ng Germany.

PETECIO SURE
SA BRONZE

NAITAKAS ni Tokyo Olympics silver medallist Nesthy Petecio ang close win sa quarterfinals ng ASBC Asian Elite Boxing Championships sa Amman, Jordan noong Sabado.

Napigilan ng Pinay ang huling atake ni Nilawan Techasuep ng Thailand upang makuha ang split decision at umusad sa semifinals ng women’s featherweight (57kg).

Tiyak na sa bronze si Petecio, tanging naiwan sa PH women’s team matapos mabigo sa kanilang mga karibal sina Irish Magto at Marecil Dela Torre.

Si Magno ay talo sa flyweight (52kg) via split decision kay Minakshi ng India, gayundin si Dela Torre na nabigo sa bantamweight (54kg) via unanimous decision kontra Oyunttesteg Yesugen ng Mongolia.

Sa men’s, si Tokyo Olympics silver medallist Carlo Paalam lang ang nakausad sa quarterfinals.

GINTO KAY
CATANTAN

NAPANATILI ni Filipina Samantha Kyle Catantan ang women’s foil title sa 2022 Garrett Penn State Open ng Pennsylvania State University.

Tinalo ng junior fencer ng Penn State University ang ­kakampi na si Arianna Proietti sa finals para mapanatili ang gold medal niya noong nakaraang taon.

Pinabagsak ni Catantan si Annie Lin ng Yale University, 15-3, sa round of 16 bago pinatalsik ang 6th seed na si Renee Oymann ng Temple University sa quarterfinals, 15-7.

Isinunod ng 20-taong Pinay, dating nagdomina sa UAAP ­fencing tournament para sa University of the East, ang isa pang Yale bet at 10th seeded Emme Zhou sa semis, 15-7, at kinumpleto ito sa pagdaig kay Proietti, 15-9.

Si Catantan, kabilang sa pambansang koponan ng Pilipinas, ay sumungkit din ng gintong medalya sa women’s foil event noong 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam.

31

Related posts

Leave a Comment