CURRY LIGTAS SA AKSIDENTE

Ipinaabot ni Stephen Curry ng Golden State sa pamamagitan ng social media na maayos ang kanyang kalagayan at walang dapat ipangamba ang mga fans dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos.

Ito’y matapos masangkot sa multiple-car collision ang NBA superstar.

“Don’t need any reminders but All the Time God is Great and God is Great all the time! Appreciate all the texts,” lahad ni Curry sa kanyang twitter account.

Biyernes ng umaga nang maaksidente ang sinasakyang kotse ni Curry habang papunta sa Warriors shootaround.

Pero sa kabila ng damage sa kanyang Porsche, nakaligtas at walang natamong anumang pinsala ang manlalaro.

Iniulat ng California Highway Patrol, dalawang beses nabangga ang kotse ni Curry.

Si Curry ay hindi pa rin nakalalaro sa Golden State bunga ng groin injury at pitong laro nang liban.

4

Related posts

Leave a Comment