BINATA NAGBIGTI SA SOBRANG DEPRESYON

(Ni CHE ALMADIN)

Dahil sa hindi nakayang depresyon, isang binatilyo ang nagpakamatay sa Lungsod ng Valenzuela kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Valenzuela City Police Community Precint VIII, ganap umanong alas 7:30 ng umaga nang matagpuan ng mismo niyang ina na si Rosalina Francisco ang wala nang buhay na si Renz Paolo Francisco, 19 anyos, binata, walang hanapbuhay at residente ng Liwanag Compound F. Bautista Street, Barangay Ugong ng nasabing lungsod.

Paupo itong nakabigti  sa nylon cord habang nasa  wooden beam ang kabilang dulo ng nylon cord.

Agad ipinagbigay alam ng nabiglang ina ang insidente sa kanyang mister na mabilis namang hum-ingi ng saklolo sa nasabing himpilan.

Sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Operatioves (SOCO), walang nakitang anumang external injuries sa katawan ng biktima.

Natagpuan ang isang sulat ng biktima sa loob ng bulsa ng suot nitong short.

Hindi na idinetalye ng awtoridad ang laman ng sulat sa kahilingan na rin ng naulilang pamilya.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Mandy Funeral Homes ang labi ng biktima na nakatakdang sumailalim sa autopsy.

7

Related posts

Leave a Comment