EJ OBIENA, SWAK SA OLYMPICS

(NI JOSEPH BONIFACIO)

ITINANGHAL si pole vaulter EJ Obiena bilang kauna-unahang Pinoy athlete na nakakuha ng slot para sa 2020 Tokyo Olympic Games, matapos ang kanyang golden performance sa Salto Con L’Asta  2019 sa Chiari, Italy noong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas).

Sinira ni Obiena ang sariling Philippine record nang magawang malundag ang 5.81 metro para lampasan ang Olympic entry standard na 5.80 metro.

Nagpasalamat naman si Obiena sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya para matupad ang pangarap na makapasok sa Olympics.

Sinubukan ng 23-anyos na si Obiena ang taas na 5.93 metro, para takpan ang all-time Asian record na 5.92 metro ni Kazakhstan’s Igor Potapovich.

Noong Abril at Hulyo ay nalampasan na rin ni Obiena ang kanyang sariling record, upang palakasin pa ang tsansa sa 2019 SEA Games gold.

Matatandaang hindi nakalahok si Obiena sa 2017 edition ng biennial meet, matapos magtamo ng ACL injury bago lumipad patungong Kuala Lumpur.

148

Related posts

Leave a Comment